4

54 0 0
                                    

Hindi agad-agad na nawala ang mga problema. Hindi rin nagbalikan overnight ang bookings ng hotel. Pero unit-unting bumabalik ang tiwala ng tao sa hotel at kay Luke dahil napatunayan na biktima lang sya ng mga taong gusto ng easy money. Mainit pa rin ang mata ng shareholders kay Luke at syempre, para pa ring jellyfish si Karen na lahat ng pagkakataon na pwedeng dumikit kay Luke ay didikit ito.

Minsan kasama ako sa isang lunch meeting ay hindi ako nakatiis "Can't you get your own man Karen at kailangan dikit ka ng dikit diyan sa fiancé ko?" tumahimik ang lahat na nasa paligid. Naramdaman ko rin ang pagpisil ni Luke sa hita ko

Tumaas ang kilay ni Karen " Insecure ka ba Nikki? Please, we are in a business meeting. I have every right to be here dahil shareholder ako" and then she smirked. Nag-init ang ulo ko.

"Oh, is that so? Kasama sa business meeting ang dumikit at hawak-hawakan si Luke?" tinaasan ko rin sya ng kilay "Tell me Karen, " inikot ko ang mata ko sa mga kasama namin sa table " or maybe anyone in this group will do. Magkano ba ang share nyo sa hotel na ito? Let me and my family buy you out, para naman hindi nyo masabi na I don't have a right to be here" pilit kong hinuhuli ang mata ng ilan sa kanila pero mabilis na nag-iwas ng tingin ang iba. Ang ilan naman na dati ko nang kilala dahil sa parents ko ay nangingiti. Natawa ako ng nakita kong sumimangot si Karen. Naisip yata ni Luke na it's time to change the topic dahil nagsalita na ito.

"On that note, gusto ko lang ipaalam sa lahat ng nandito. Na Nikki has every right to be here dahil magiging asawa ko na sya and she has been working behind the scenes with media and her friends para gumanda ulit ang image ng Posmi at malaman ng mga tao na we are not at fault sa kung ano ang nangyari sa hotel." Tumango tango naman ang ilan na naroon. Pinabayaan ko na lang na ipagpatuloy nila ang pag-uusap nila pero ramdam ko ang tension kay Luke. Pinag-init din ni Karen ang ulo ko. This isn't good.

Ilang oras na kami ni Luke na nasa condo pero di pa rin ito umiimik.

"Something wrong? Kanina ka pa hindi kumikibo?' tanong ko

Bumuntong-hininga ito "I just don't like what happened earlier. Pinatulan mo pa kasi si Karen"

"I can only take so much shit from her Luke. Shareholder or not, you are not her business" naiinis na sabi ko

"Okay. But to offer to buy out anyone. Was that even necessary?" alam kong nawawalan na ng pasensya si Luke.

"Naiinis ako the way they've been treating you. I just want to remind them, with or without them, you can run that hotel"

"These are people who trusted me with the money kaya sila nag-invest sa idea ko. I just don't want you to come across na binabastos mo sila princess" pagpapaliwanag nito

"They've trusted you when the hotel was just an idea. Tapos ano? Maliit na problema they're on your ass 24/7?"

"Just, just let me handle them princess. Please?" pagmamakaawa nito "I don't want them or your family to think na I need your money for my business"

I can't help it, I flared up "Dang it Luke! Anong my or my family's money? Everybody who is important to me knows na high school pa lang tayo na. If it was my money, di dapat noon pa pinilit mo na ako na pakasalan ka!"

"You're forgetting I did ask you right after college" nangingiting sabi ni Luke

Napangiwi ako sa reminder "You know what I mean. I don't care what they think. Alam ko, alam mo, alam ng pamilya ko, hindi pera ko ang habol mo." Sabi ko, then I smiled "katawan ko ang pinagnanasaaan mo" Sabay kaming bumunghalit ng tawa ni Luke

"Katawan?" nakataas ang kilay na tanong nito

"Oyyyy, ingat ka sa sasabihin mo. Kapag nainsulto ako baka hindi kita pakasalan!" biro ko

Hanggang Kailan Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon