3

69 0 0
                                    

"Lexi" umiiyak na sabi ko sa telepono ng marinig kong sumagot si Lexi

"Nikki? What's going on? Nasaan ka?" sunud-sunod na tanong nito. Halatang nag-aalala ito ng marinig na umiiyak ako.

"I'm just on my way to your house, nasa bahay ka ba?" tanong ko

"Can you drive? Gusto mo sunduin kita?"

"No, kaya ko" pinipigil kong umiyak pero tuluy-tuloy ang pag agos ng luha ko. "I'll be there in 10 minutes" sabi ko at binaba ko na ang phone.

Nakaabang sa pintuan nya si Lexi ng dumating ako sa condo nya. NIyakap ako agad at pinapasok sa bahay. Tuloy-tuloy na ang pag-iyak ko. Hindi ko magawang makapagsalita. Maya-maya ay inabot sa akin ni Lexi ang isang baso ng tubig. Kinuha ko iyon at sinubukang kontrolin ang sarili ko.

"Pwede mo na bang ikwento sa akin kung ano ang nangyayari?"

Umiling ako "I need to go Lexi. I can't stay here anymore?"

"Gusto mong umuwi sa inyo?" umiling ako

"I need to get out of this place. Somewhere far away Lexi" sabi ko "Please help me. I can't tell you right now. But promise, kapag kaya ko na, sasabihin ko sayo"

Tiningnan lang ako ni Lexi na para bang sinusuri kung ano ang talagang iniisip ko.

"Paano ang family mo? Si Luke?"

"I'll explain sa family ko later on. But I really need to do this right now. Please don't tell Amber or Kuya Gabe" pakiusap ko.

Tumango lang si Lexi at kinuha ang phone nya. Maya-maya ay naririnig ko na syang nag-aarrange ng flight. Hindi ko na tinanong kung saan kami pupunta. Basta ang importante sa akin ng mga oras na yun ay ang makalayo.

Lexi told me na sya na ang bahala sa mga arrangements at mga kailangan namin basta magpahinga lang ako para ready ako sa byahe namin. We had our flight that very same day. Akay lang ako ni Lexi sa airport at nagtulog lang ako sa byahe. Noong nasa labas na kami ng airport saka ko lang narealize na nasa Los Angeles International Airport pala kami. Agad kaming nakapagcheck-in sa Beverly Wilshire.

Nang makapasok kami sa room namin ay saka lang nagsalita si Lexi.

"I have a fashion show dito. Talagang may ticket at booking na ako for LA. Nung sabi mo you want to go away, this is the only thing na naisip ko kasi may previous commitment na ako dito" paliwanag nya "I hope I didn't make a mistake at ang naiisip mo pa lang away eh Boracay or palawan lang" biro nya

Napangiti naman ako sa sinabi nya "I'm sorry, hindi ko naisip na baka may iba kang lakad. Pero this is okay"

"Are you sure you don't want me to call Gabe or Amber? Mag-aalala ang pamilya mo. Baka magpa NBI yun at isipin na nakidnap ka. Malaking gulo Nikki"

"I'll email Kuya Ty. Sasabihin ko na kasama ka and I need some time to think"

"Okay just let them know that you're safe para hindi sila masyadong mag-alala"

Tumango ako "Let me have your phone and I will send Kuya Ty an email"

Inabot naman nito ang phone nya. Agad naman akong nag-email kay Kuya Ty at nakiusap na pagbigyan ako sa kahilingan ko. Sinabi ko rin na soon I will tell him everything pero wag mag-alala at safe naman ako at kasama ko si Lexi. Agad namang nagreply si Kuya Ty at nagsabi na ipaalam kaagad kung nasaan ako at kung kailangan ko ng tulong. Hindi na ako sumagot. Alam kong si Lexi ang kukulitin nila, pero I trust Lexi.

The next few weeks was a blur. Hila ako ni Lexi sa mga shows and shootings nya. Kapag wala naman syang trabaho ay namamasyal kami kung saan-saan. Naglalakad kami sa Pier sa San Francisco ng nagtanong si Lexi.

Hanggang Kailan Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon