5

53 0 0
                                    

Hindi ako lumalabas ng kwarto at wala akong kinakausap. Naka off din ang phone ko. Sa bawat may kakatok sa kwarto ko ineexpect ko na si Luke iyon, pero nadidisappoint lang ako na sila Kuya Ty at Kuya Gabe ang kumakatok. Nakiusap ako sa kanila na pabayaan na lang muna ako. One week na ako sa self-imposed imprisonment ko ng marinig ko may mga susing kumakalansing sa labas ng pintuan ko. After a few minutes ay bumukas na ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Lexi na galit nag alit.

"What the fuck is wrong with you?" nanggigigil na tanong nito "Off ang phone mo, walang makakausap sayo. Hindi alam ng mga kuya mo nangyayari syo! What is going on?"

Natigil ito sa rant nya ng makita nag itsura ko "Oh my God, Nikki! Anong ginawa mo sa sarili mo?" niyakap nya ako at ako naman ay humagulgol. Tumayo ito at lumabas. Naisip ko baka aalis na. Pero agad din itong bumalik at kasunod na nya ang kasama namin sa bahay na may dalang pagkain.

"Eat Nikki. Kung hindi ka kakain mag-isa, ako ang magsusubo syo. Believe me, hindi mo magusgustuhan kapag ako ang magsusubo ng pagkain sayo" banta nito

I might be depressed pero hindi ako baliw para hindi maniwala sa banta ni Lexi, kaya kahit ayoko ay sumubo ako sa dinalang pagkain. Nang medyo nakakalahati ko na ang pagkain ay itinulak ko na ito palayo. Masama ang tingin sa akin ni Lexi pero hindi na ito nagsalita. Hinila na lang ako papunta sa banyo at saka tinulak papasok sa loob

"Now, maligo ko or ako ang maghuhubad at magpapaligo sayo!" Binagsak ko sa harap nya ang pintuan at naligo na ako. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Lexi na namimili ng damit sa closet ko. Hinintay ko na iabot nya sa akin ang damit at saka nagbihis.

Nagmall at nanood kami ng sine ni Lexi. Wala akong alam kung saan kami nagpunta or kung ano ang pinanood namin. Walang pumapasok sa isip ko. Nasa park kami ng kumprontahin ako ni Lexi

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Inis na inis naman si Lexi.

"Luke is sooooo stupid! Kailangan puntahan ko sya ng matauhan sya!"

Napailing ako "hindi sya maniniwala sayo. Iisipin nya pinagtatakpan mo lang ako"

"So what's your plan? Ganito na lang?" napakibit balikat ako. "Get his stupid ass sorted. Make him listen to you. Kung wala na, e di wala na. But you can't go on like this. This isn't healthy"

"Hindi ko yata kaya Lexi"

"Biatch!" tinampal nya ako "This isn't you! You're Nikki Montinola! Pathetic isn't in your vocabulary. Wala akong kaibigan na duwag!"

A motivational speaker, Lexi isn't. Her ways may be strange, but it worked for me. Kinabukasan, naisipan kong puntahan si Luke sa condo. I was hoping na nasa Manila pa sya. Ginamit ko ang susi ko para makapasok sa unit. Iba ang kabog ng dibdib ko ng may mga damit na nagkalat sa sala. Parang gusto ko ng umatras ng nasa pinto na ako ng kwarto. Inipon ko ang lahat ng lakas na meron ako at binuksan ko ang pinto. Parang nawasak ang mundo ko ng makita ko si Luke sa kama na mahimbing na natutulog at katabi si Karen na hinihimas himas pa nag dibdib nya. Kumot lang ang nagtatakip sa mga katawan nila. Nabitawan ko ang susi at agad akong tumalikod at lumabas ng bahay. Ang natatandaan ko na lang tinawagan ko si Lexi and the next thing I knew, nasa America na pala ako.

Inubos ko na ang natitirang ice cream na kinakain ko "And that's what happened my dear friend" Minsan lang nawawalan ng sasabihin si Lexi ang this is one of those precious moments. Nangingiti ako. Kahit walang ginagawa, ay napapagaan nya ang nararamdaman ko.

"Seriously? After a week iba na kasama nya sa kama?" parang hindi pa rin makapaniwala si Lexi

"We don't know baka nung nasa hotel pa sila may nangyayari na. Although sinabi sa akin ni Luke non na he was avoiding her. Those days were crazy, who knows?"

Hanggang Kailan Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon