TBMTC---Entry 42

484 8 2
                                    

"Akala ko hindi na to matatapos. Pero, akala ko lang pala yun." - Kathryn

-----

*Riiiiiiiiiing Riiiiiiiing*

"Uh! Bllsht!" Kinuha ko ang phone ko at agad sinagot ang tawag without any looking kung sino ang tumawag.

"HELLO?!"

"Kath? Is that you?" Napabaliktad agad ako dahil sa narinig ko.

Si Daniel.

"Daniel? What happened to you?! Limang araw ka ng hindi nagpaparamdam!" Galit pero may lambing na sabi ko.

Yes, you heard it right. Limang araw na siyang hindi nagtext o nagparamdam simula nung umalis siya. And I don't even know why.

"Kath. I'm so sorry. Busy kasi ako. But please always remember that I always love you."

"I love y---"

*TOOT TOOT TOOT*

"Hello, Daniel? Daniel?!" Pero walang sumagot.

Napasalpak agad ako sa kama ko and hindi ko mapigilan ang luha ko.

'I miss you' bulong ko.

Tiningnan ko kung anong oras na and 9 o'clock na pala ng umaga kaya bumangon nalang ako at nag ayos.

After that pumunta na ako sa eskwelahan.

"Oh ano? Wala pa rin?" Tanong ni Juls.

Ngumiti ako ng kaunti.

"Tumawag siya sakin kanina." Sabi ko.

Biglang ngumiti ng malapad si Juls.

"Oh?! Eh bakit parang di ka masaya?" Tanong ni Juls.

Masaya naman ako ah?

"Masaya naman ako ah?"

"Masaya? Eh parang binagsakan ka ng langit diyan!" Sabi niya.

"Hindi ko din alam. Dapat masaya ako pero alam mo yun. May mali." Sabi ko at umiling.

"Sows! Deadma na nga lang sa issue na yan. Makipaglandian ka muna sa iba diyan ng may magawa ka!" Pabirong sabi ni Juls kaya binatukan ko siya.

"Joke lang! Hahahaha." Tapos tumawa ang bruha.

Buti na lang talaga at dito si Juls. Kung hindi, baka tumalon na ko sa building na to. -_-

Pumasok na ako sa room ko at ganon din si Juls sa room niya.

Gaya ng inaasahan ko, bakante ang upuan ni Daniel.

Hayyy.

"Hey, Kath! Pwede ba akong umupo dito?" Tanong ni Enrique sabay turo sa upuan ni Daniel.

I would say no sana pero umupo na siya kaya tumango na lang ako.

Buong morning wala akong nagawa kundi makinig ng makinig sa prof namin. Kahit na pasok sa kabilang tenga labas sa kabila.

*TING TING TING*

Sa wakas at lunch break na.

Tumayo ako at itong si Enrique tulog pa rin.

"Enrique. Uy, gising!" Lumapit ako sa kabilang tenga niya.

"Enrique." Tawag ko ulit.

Nagulat ako na he turned around sa left side kung saan ako-----


And.....


1 inch na lang yata ang pagitan namin at pwede na kaming magkiss.

Napatigil ako dahil sa pagkabigla.

"I'm sorry." Biglang sabi ko at lumayo.

"Mauna na ako." Sigaw ko at tumakbo papalabas.

Nung makalayo na ako, hinawakan ko ang puso ko at para akong hinahabol ng kabayo dahil sa lakas ng kabog nito.

"Kath. RELAX." Sabi ko at umalis na.

May klase pa si Juls ngayon kaya wala akong kasabay kumain ng lunch.

I would love to eat alone nalang.

"Guys, nakita mo ba si Daniel? Syeet. Ang gwapo niya no?" Student 1.

"Yeah! And his hairstyle. Parang bad boy siya. Syeeet." Tapos kinilig pa ang isa.

Huh? Dito na si Daniel?

Hindi ko man talaga ugali ang makinig sa usapan ng iba pero kailangan kong malaman if dito na ba siya.

"Yung mukha niya! Parang yung dating single pa siya." Sabi nung nakaneon pink.

"Ha? May girlfriend na ba siya?"

"Yeah! Yung si Kathryn Bernardo." Sabi nung isa.

"Ah? Iyon? Ang ganda non. Bagay naman sila eh." Saad nung isa.

"Duh! Mas bagay kami."

"Asa ka pa no! Teka saan mo ba nakita?" Tanong ni girl.

Oo nga, saan?

"Sa may faculty." Sagot niya kaya naman tumungo agad ako sa faculty.

Salamat sa mga chismosang iyon.

Malayo-layo palang ay natanaw ko na si Daniel.

Wait—si Daniel ba talaga yun?

His wearing a black leather pants at nakajacket na black.

Tumakbo ako at inabangan siya.

"Daniel." Tawag ko sakanya hindi ko na siya pinagsalita at niyakap ko na siya.

Pero bat ganon? Hindi niya ako yinakap.

Kumalas agad ako at tiningnan siya–his different.

"Who are you?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Daniel?" Tanong ko.

"I'm not Daniel."

"Then who are you?"

"I'm Joaquin."

--------

A/N: HAHAHA. *KAWAY* *KAWAY* Pasensya sa supeeeeer late update! Haha. :D

THE BITCH MEETS THE CASANOVA [KATHNIEL FANFIC] (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon