TBMTC---Entry 29

971 14 0
                                        

"Alam mong hindi ko kayang gawin yun." pagmamaktol niya.

"At bakit? Diba yun naman ang plano natin noon pa? Don't tell me aatras ka?" sabi ko.

"Mabait siyang ta---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil hindi ito pwede!

"MABAIT? Sinasaktan nila tayo. Kaya dapat akin si Dj. At sayo lang si Chichay!" Sigaw ko sakanya.

At napatahimik naman siya, nagporma ang labi ko ng isang nakakalokong ngiti.

Hahahaha. What Julia wants, Julia gets.

*evil laugh*

~*~

"Gusto mo to?"

"Ayaw."

"Eto?"

"Ayoko nga!"

"Ang engot mo naman, Kath! Wala ka namang pinipili eh. Lahat na ng food dito sa mall na may sampalok flavoured, binili ko na!" pagmamaktol ni Daniel.

"Hoy ikaw! Sabi mo, gagawin mo lahat ng gusto ko! Ang sabi ko gusto ko ng sampalok! Hindi flavour!" sigaw ko.

"EH SAAN NAMAN KASING LUPALOP NG MALL NA TO AKO BIBILI NG SAMPALOK?!" sigaw niya.

Oh-kay. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Bakit ba napunta kami dito?

FLASHBACK

Palabas na ako ng gate ng biglang...

*BOOOOG*

"Ouch." napahawak ako sa noo ko dahil may biglang tumama.

Tiningnan ko at p*ta isang headphone. Aruy.

"Hala, Kath. Okay ka lang?" uminit ang mukha ko dahil narinig ko ang boses niya.

"Mukha ba akong okay tapos mong tamaan ng headphone?! Leche!" still nakayuko lang ako para di ko siya nakita.

Pero dahil sinasadya na talaga ni Daniel ang pangbwibwisit sakin.

Edi ito, panay ang tawa niya.

"Hahaha. Oh sige. Para magtigil ka diyan. Gagawin ko lahat ng gusto mo."

*smirk*

END OF FLASHBACK

Kaya eto kami ngayon. Pinagtitinginan ng tao. Pero nabigla kami sa nangyari.

"WAAAAAAAAAAH!"

may sumisigaw na babae na naging dahilan para tingnan namin sila.

Naka-patong ang lalaki sakanya at ang coke nahawak niya ay bumuhos sa kanyang mukha.

And before I knew it, NAPAKA-AWKWARD ng posisyon nila.

"ANO BA!" sigaw ng babae.

Akala ko lalampa-lampa dahil hindi naman kalakihan ang katawan pero hindi.

"Sa susunod na makipag-rambolan ka! Pwede sa labas?! Ha? Nandadamay kayo ng tao!" sigaw nung lalaki na akala mo naman mangangain ng tao.

"Hali ka na." hila sakin ni Daniel.

"Heh! Tumahimik ka nga diyan. Umalis ka kung gusto mo!"

"ABA'T PESTE KA AH! ANONG AKALA MO SAKIN MUKHANG WALANG LIGO KAYA PINALIGO MO SAKIN ANG COKE?! AT HINDI KO PA NAIINUM YUN!" nagulat kaming lahat sa pagsigaw nung babae.

Nag-eeskandalo na sila. Tsk.

"P*ta ang daldal mo. Oh yan! Pera! Bumili ka ng kahit ilang coke na gusto mo! Tsk."

Eh gag* pala to eh! Alam niyang babae isasampal ang limang libo sakanya?

Pero mas nagulat ako sa ginawa ng babae..

"*PAAAAAK* Hindi ako dukha para abutan mo ng PERA. Baka nga kahit bahay niyo, mabili ko! Tsk. At hoy lalaki, YOU DON'T KNOW WHAT I AM CAPABLE OF!"

Walk-out ang peg ng babae. Lahat sa mall ay napa-"woaaah" sa nangyari.

Including us.

"Oh ano? Tapos na? Tara na. Hahanap pa tayo ng sampalok. Tsk." sabi ni Daniel at hinila ako.

At bigla akong nagulat,

ang kamay niya ay hawak ng kamay ko.

HOLDING HANDS WHILE WALKING?

Dug. Dug. Dug. Dug.

Napabitaw ako sa kamay naming magkahawak at ikinagulat niya.

"S-sorry." sabay naming sabi.

Aish. At ngayon Kath, you just made the atmosphere more awkward. -___-

Bakit ba kasi nauwi kami sa ganito? Bakit? Huhuhu. TT_TT

At ikaw puso ka, bakit ka ba ganyan? Diba tapos na tayo sa love love na yan? Why oh why~♪

"Hoy, Kath!" nagulat ako na biglang tinuro ako ni Daniel.

"Oh?" mataray na sabi ko.

"Huwag na huwag kang aalis bukas ah? Susunduin kita." sabi ni Daniel.

Susunduin? Date?

Pero bakit kinikilig ako? >_<

Nyeta ka Kath! Wag kang padalos-dalos kalma.

"Bakit? Magde-date tayo?" sabi ko.

At NABIGLA ako sa sinabi ko. NAMAN! Tsk. Bat ba padalos-dalos tong bibig ko. Sarap i-zipper.

"Hah? Ah-eh. Sinabi ko bang DATE? Basta wag kang aalis ha. Umalis ka lang. Papatayin kita..asddffssfgghjjk (sa pagmamahal)"

parang hindi ko narinig yung huli.

"Ano? Papatayin mo ko sa?" tanong ko ulit.

Bigla naman siyang namula.

"WALA! Halika na." at hinawakan na niya ako sa braso at hinila.

Alam kong mali ito, alam kong hindi ko dapat gawin to.

Pero napangiti ako sa sinabi niya, maaring hindi niya nasabi ng diretso, pero yun talaga ang gusto niyang iparating.

Lord, bigyan niyo po ako ng kaunting panahon.

Kahit kaunti lang po.

...gusto ko ng maramdaman ulit ang mahalin at magmahal.  Kahit kaunting panahon lang..

~*~

MB NOTE~

Eto na talaga. I-straight to the point ko na po ang storyang ito. Wooo. Nyway, yung sa mall na yun ay sila ang mga characters ng bago kung story.

"I'M GALE AND YES I'M A BITCH" Kailangan ko po ng cast dun. And ang pinakamagandang comment ay bibigyan ko ng award. Huhuhu.

Bitches, please don't forget to VOTE. Yun lang po, para maganahan akong magsulat. :(( ~MB

THE BITCH MEETS THE CASANOVA [KATHNIEL FANFIC] (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon