1

11.5K 178 3
                                    

"ANO ANG gagawin mo kung makakasalubong mo ang ex-boyfriend mo kasama ang current girlfriend niya? (A), dededmahin mo sila; (B), babatiin mo sila; or (C), magkukunwa kang hindi mo sila napansin at mabubunggo mo sila?"

"Huh?" hindi napigil ni Sydney na tumaas ang isang kilay nang marinig iyon. Nahinto siya sa ginagawang pagbubukod ng kanyang maruruming damit upang unahing labhan ang mga puti. Tumingin siya sa umaandar na radio kung saan nanggaling ang tanong na iyon.

"Ako, letter C ang pipiliin ko," narinig niyang sagot ni Chariray, ang co-anchor ng radio program, bakla rin iyon kagaya ng naunang nagsalita.

"Aba, parang benggadora ka, 'Day!" sabi ng unang nagsalita, si Ferelli.

"Baka nga tisurin ko pa silang dalawa. Mangudngod sana!" mataray na sagot ng pangalawa.

Natawa si Sydney at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Araw ng Lunes at iyon ang pinaka-day off niya sa kanyang trabaho bilang singer—kasali na ang pagiging wedding singer. Fully-booked ang schedule niya sa iba't ibang singing stint. Kapag weekends ay daig pa niya ang lagari. Minsan ay higit pa sa apat ang singing commitment niya sa isang araw lalo na kung peak season ng wedding events.

Bukod pa roon ang pagiging dj niya sa isang FM station kung saan umeere siya tatlong beses isang linggo. Siyempre pa, nabubuhay siya sa kanta kaya naman ang radio program niya na tumatagal ng dalawang oras ay umaapaw lagi sa mga phone calls ng mga nagre-request ng mga kantang patutugtugin niya on-air.

Pinaka-break niya ang makinig sa AM radio. At paborito nga niya ang programa ng dalawang baklang pinapakinggan niya ngayon. Personally, they were her friends. Ang naturang AM station ay sister company ng FM station na pinagtatrabahuhan niya at iisang building lang naman ang kanilang opisina.

At karaniwan na, bago sumalang sa ere ang dalawang bakla ay tinatawagan pa siya nito kung ano ang magiging topic for the day. Antyhing goes ang tema ng programa ng mga ito. At kaya nga niya gustong nakikinig dito ay dahil sa nakakapagod na rin na kundi kantahan ay puro straight news at serious commentary ang karaniwang programa sa radio. Kanina, siya pa mismo ang kumontak sa dalawa upang itanong ang topic. Walang isinagot sa kanya ang dalawa kung hindi ang isang malanding tono ng "surprise!".

Hindi na siya magtataka ngayon kung bakit. Dahil kung nalaman niya, hindi na lang siya makikinig sa programa ng dalawa. But then, she could easily turn the radio off now that she already knew.

Pero hindi rin niya ginawa. Ilang minuto na sa ere na nagbabatuhan ng komento in gay lingo ang dalawa pero nakikinig pa rin siya. Feeling ni Sydney, siya ang pinariringgan ng dalawang kaibigan niya. Lalo at alam na alam ng dalawa ang kanyang "shattered" love life.

"Teka muna, Chariray," maarteng sabi ni Ferelli. "Bago tayo mag-break, babatiin ko muna ang ating best na best friend na si Sydney. Hello, girl!"

"Hi,Sydney! I'm sure, na-surprise ka sa topic namin today. We love you, girl!" sabi naman ni Chariray.

"We love you kayo riyan," matulis ang ngusong sagot niya na para bagang maririnig nga siya ng dalawa. Hinagilap niya ang cell phone at mabilis na tumipa roon ng mensahe. Matapos ang mensaheng puno ng exclamation point ay pinadala niya agad iyon sa numero ng dalawa.

Nang bumalik sa ere ang dalawa ay tiyak niyang nabasa na rin ng mga ito ang text niya.

"Chariray, may nag-text sa atin, napipikon si Girl!" kikay na sabi ni Ferelli.

"I can't blame her. You know, she hates surprises."

"Correct! Pero iyon ay kung hindi galing sa kanyang honey. Ay, mali, ex-honey na pala!"

"Aba't... pinag-usapan pa ako on air?" salubong ang kilay na react ni Sydney. Padabog na tumayo siya sa in-off ang radio. Naupo siya sa sofa at tumingin sa kawalan.

IT'S BEEN three months since their break-up. At aminin man ni Sydney o hindi, alam ng malalapit niyang mga kaibigan na hindi pa rin siya nakaka-move on. Walang gabi na hindi niya inisip si Paolo. Huwag lang na matahimik siya ay hindi siya mag-aaksaya ng sandali at babalikan niya ang mga alaala nila ng binata.

Pero masisisi ba siya?

Nagsimula ang relasyon nila ni Paolo noong second year college siya at fourth year college naman ito. Pareho silang interesado sa banda. Si Paolo ay lead vocalist ng bandang binuo nito at ng mga kabarkada samantalang siya naman ay isa sa mga nangungunang nagpa-patronize sa nasabing banda. Noon niya nadiskubreng may ibubuga ang boses niya. Palagi ay kinukuha siya ni Paolo bilang ka-duet nito sa ilang kanta kaya naman iyon ang naging daan kaya lalo silang naging malapit sa isa't isa.

Nagkaroon siya ng tiwala sa sarili at natuto ng showmanship. Bandang huli ay naging official vocalist na rin siya ng banda ni Paolo. May mga panahon pang sumasalang sila sa mga university concerts at sumasali rin sa kumpetisyon. Pero sandali lang iyon dahil nang magtapos si Paolo sa kolehiyo ay na-disband na rin ang grupo.

Subalit naging dahilan din iyon upang lalo silang magkalapit ni Paolo. Ang pagkakaibigang nabuo noong magkasama pa sila sa banda ay nauwi sa pagkaka-ibigan.

Habang nagsisimula si Paolo na paunlarin ang sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho nito bilang marketing staff ng isang prestihiyosong bangko, siya naman ay inip na inip na hintayin ang araw ng kanyang pagtatapos.

Marami silang plano ni Paolo. Kapag nakatapos siya ay maghihintay lang sila ng tatlo hanggang apat na taon at magpapakasal na sila. Sabi ni Paolo, siguro raw ay sapat na sa kanya ang panahong iyon upang patunayan din niya sa kanyang sarili ang nais niyang patunayan at bumuo ng sarili niyang career.

Broadminded si Paolo. Sa plano nila ay malinaw na sinabi nitong hindi siya nito pipigilang magtrabaho pa kahit kasal na sila kung gusto pa niya. Ang pakiusap lang nito ay maging priority niya ang kanilang magiging pamilya.

And of course, walang tanggi doon si Sydney. Iyon din naman ang pangarap niya. Numero unong priority ang pamilya dahil iyon naman ang kinagisnan niya sa mga magulang niya.

Pero nagbago iyon isang buwan bago siya magtapos ng kolehiyo.

Sa isang university affair ay sinabihan siya ng dean na kumanta bilang isang intermission number. Hindi siya tumanggi dahil gusto din naman niya ang kumakanta. At ang totoo, mas ginaganahan siya sa pagkanta kapag nakikita niyang naa-appreciate ng audience ang kanyang pagkanta.

Wala siyang kamalay-malay na isa pala sa audience ay talent scout. Pagkatapos niyang kumanta ay nilapitan na siya nito. Kinumbinse siyang sumali sa isang national singing competition. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan iyon. in fact, hindi rin niya pinangarap na sumali sa ganoong klase ng patimpalak.

Pero mabulaklak ang dila ng talent scout. Nangako pa itong idadaan naman siya sa training bago siya sumabak sa audition upang makatiyak na makakapasok siya. Madali naman siyang nakumbinse kaya pumayag siya.

Supportive naman si Paolo sa naging desisyon niya. Nang makapasa siya sa audition, ito ang unang-unang nagsabi sa kanya na siya ang magiging singing champion.

Tinawanan lang niya iyon. Siyempre, boyfriend niya ang binata kaya natural lang na iyon ang sabihin nito. Sa pagsali niya sa naturang contest ay sinasamahan pa siya nito sukdulang mag-leave ito sa bangko. Umabot siya hanggang grand finals. At sa grand finals night, kulang na lang ay ianunsyo ni Paolo sa buong bangko na manood ng naturang tv show.

Hindi siya pinalad na manalo nang gabing iyon. she was very disappointed hindi para sa kanyang sarili kundi para kay Paolo na asang-asa na mananalo siya. But then, si Paolo pa rin ang nag-cheer up sa kanya. Inaya siya nitong mag-out of town nang sumunod na weekend...

itutuloy


WEDDING GIRLS 20 - SydneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon