"Aano tayo sa Batangas?" tanong niya kay Paolo habang isinasakay nito ang gamit niya sa backseat ng segunda-mano nitong kotse. Matagal na ang kanilang relasyon at boto ang parents niya sa binata kaya madali na siyang pinayagan ng mga ito na mag-overnight kasama si Paolo.
"Mag-a-unwind," nakangiting sagot nito sa kanya.
"Pakunswelo mo lang yata ito sa akin dahil natalo ako sa contest."
"Don't say that. Matagal ko nang plano ito. Hindi ko lang masabi sa iyo dahil busy ka sa practice para sa contest na iyon. Now that the contest is over, may time na tayo."
Oo nga naman, naisip niya. Sa daan pa lang patungo sa resort na sinasabi ni paolo ay excited na siya. Hindi siya excited sa lugar na hindi pa niya nararating. Ang excitement niya ay dahil sa magkakaroon sila ni Paolo ng oras na masosolo nila ang isa't isa.
Nang makarating sila sa resort—na hindi naman kagandahan, katiwala lang ang tanging tao doon. Off-season kaya naman halos solo nila ang lugar. Sa halip na ma-disappoint, natuwa pa si Sydney. Parang solo nila ni Paolo ang bahaging iyon ng mundo.
At marahil ay alam ni Paolo na hindi first class ang accommodation ng resort. Nang ipasok nila ang kanilang gamit sa cottage na inarkila nila ay nadiskubre niyang bukod sa damit ay may baong pagkain ang binata.
"Don't worry, 'Ney. Hindi naman puro sitsirya ang kakainin natin. Puwede rin tayong magpaluto sa katiwala."
Ngumiti lang siya. At hindi iyon dahil sa sinabi ni Paolo tungkol sa pagkain. She loved it when he was calling her Ney. Noong una, akala niya ay pinaikli lang iyon na Sydney dahil ito lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon. Pero nalaman din niya, it was his term of endearment to her—buhat sa pinaikling honey.
"Ano ang gusto mong kainin?" tanong sa kanya ni Paolo.
May pumasok na kapilyahan sa utak niya. Isang maluwang na ngiti ang nabuo sa kanyang mga labi. "Puwede ikaw?" she answered devilishly.
Tila biglang nagningning ang mga mata ni Paolo. Itinigil nito ang pag-aahon ng mga gamit at lumapit sa kanya. Yumuko ito at sinalo ng daliri ang kanyang baba at dahan-dahan iyong itinaas upang higit na magkalapit ang kanilang mga mukha.
"Puwede, ma'am," malamyos na sabi nito habang pagkatamis-tamis ng ngiting nasa mga labi. "Kahit ngayon na, puwedeng-puwede. Willing na willing pa!"
Humagikgik siya. Pero sandali lang ang hagikgik na iyon.
Paolo closed the distance between their lips and kissed her.
Marami na silang pinangahasang halik ni Paolo pero ibang-iba ang halik na iyon. Marahil ay dahil sa kapwa nila alam na sariling-sarili nila ang mundo. At marahil din, kanina pa sila kapwa nag-iisip ng ganitong senaryo.
When their lips touched, instant fire began to spread. Pakiramdam ni Sydney ay isang bungkos siya ng tuyong kugon na sinindihan. Damang-dama niya ang kagyat na pagkalat ng masarap na init sa buo niyang katawan.
Nang palalimin ni Paolo ang halik, walang inhibisyong ginantihan niya iyon ng malalim at maalab ding halik...
NAPAPITLAG si Sydney sa pagtunog ng telepono. Parang hindi pa niya alam ang gagawin at napatitig lang sa naturang aparato.
"Hello?" mayamaya ay sagot na rin niya.
"Aba, madam!" Tinig ni Ferelli. "Wala ka yatang reaction sa topic namin? Bakit hindi ka na nag-text? Pinatay mo ang radio?" sunud-sunod na tanong nito.
"Obvious ba?" tugon niya. "Bakit ka tumawag? Inaabala mo ako," mataray na sabi pa niya.
"Inaabala saan? Sa pagre-reminisce ng nakaraan ninyo ni Papa Paolo? Utang-na-loob, girl, tigilan mo na iyan. Pinalitan ka na ng ex mo. It's about time you move on."
Nagtagis ang kanyang mga bagang. Kung hindi lang niya tunay na kaibigan ang baklang ito ay pagbababaan na niya ito ng telepono. Pero dahil napatunayan na niyang tunay na kaibigan nga ito, hinayaan niya ito sa mga litanya nito kahit medyo napipikon siya.
"You can talk about anything under the sun, bakit sa lahat ng topic ay tungkol sa ex ang ginawa mong topic? Namemersonal ka. Isusumbong kita sa station manager. Sasabihin kong sibakin ang programa ninyo ni Chariray."
"Ikaw ang namemersonal, Sydney girl. Papasibak mo ang show namin dahil lang sa tinamaan ka? Hello! Ang dami naming callers. They liked the topic. Sabi nila,. Somehow ay naturuan namin sila kung paano magre-react sa ganoong sitwasyon. At isa pa, hindi mo kami basta mapapasibak. Mataas ang rating namin. Marami kaming sponsors."
Napatawa siya. "Bakit ka nga tumawag?"
"Well, sabi mo nga kanina, nang-aabala lang. Tapos na ang show namin. Si Chariray, ayun at lumipad na. Alam mo naman iyon, may bagong boyfriend. Sinundo pa siya at mag-i-Starbucks daw sila."
"Hmm, I guess, naiinggit ka lang kay Chariray. Palibhasa, iniwan ka ng papa mo."
"At nagsalita ang hindi iniwan?" mabilis na sabi nito.
"All right! Pareho tayong brokenhearted," aniya.
"I'm trying to move on, ewan ko ikaw," baklang-bakla na sabi nito.
"Kung pagmu-move on ang tawag mo sa pagtambay mo sa mga gay bars gabi-gabi, bahala ka sa buhay mo," buska niya dito.
"At kung pagmu-move on ang tawag mo sa pagpapakamatay mo sa trabaho, puwes, mamaos ka na sana nang hindi ka na makakanta," ganti naman nito. "Teka nga, Sydney, tigilan na natin ito. Kung wala kang ginagawa, magkita tayo. Gumimik tayong dalawa."
"Maglalaba ako," sagot niya na naisip na dapat sana ay kanina pa niya sinimulan ang gawaing iyon.
"Maglalaba? Tigilan ang beauty ko, Sydney. Ang laki ng kinikita mo, maglalaba ka? Hakutin mo iyan sa laundry shop at ibayad mo ang paglalaba, 'no? Masama ang sobrang tipid. Natatalbusan!"
"Ano iyon?"
"Natatalbusan as in nababawasan, big time. You know, may paraan ang nature para bawasan ang yaman mo kung ayaw mong bawasan ito nang kusa. Exmple, ma-akyat-bahay ka. Madukutan kaya or ma-snatch ang bagong-bago ay mamahalin monbg cell phone."
"Sus! Tumigil ka, Ferelli." Medyo mapamahiin din siya kaya ayaw niyang nakakarinig ng negatibo.
"So, ano, magkikita ba tayo? Tara sa Megamall, magpalipas tayo ng oras sa Dulcinea."
"Sino ang taya?"
"KKB!"
"Ayun, eh! Sino kaya ngayon ang kuripot sa ating dalawa?"
"Excuse me, girl. Hindi ako kuripot. Wala lang akong budget ngayon."
She rolled her eyes. "Kunwari ka pa. Anong oras tayo magkikita?"
Tumili muna si Ferelli bago ito sumagot.
-itutuloy-
BINABASA MO ANG
WEDDING GIRLS 20 - Sydney
RomanceWG Sydney - The Singer Walong taon na ang relasyon nina Paolo at Sydney. Napakatagal na niyon kumpara sa mga relasyon ng iba na hindi nagtatagal at nauuwi lang sa hiwalayan. Kaya ang mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ay hindi inaasahan ni Syd...