So gumawa ako ng paraan na makapunta ako sa Mars
Napaka imposible pero nagawa ko
Bago lang ako sa work ko
pero nagpaalam ako na pwede ba ako humingi ng bakasyon
Kahit tatlong linggo lang
Pinayagan naman nila ako
Pagkatapos nila akong payagan
ay dali dali kong sinabi ito sa kanya
"Maganda, may magadang news ako para sayo"
"Approve yung bakasyon ko"
"Pwede na ako pumunta diyan sa Mars" , Masayang sinabi ko sa kanya
"Talaga? magkikita na talaga tayo"
"Kelan mo ba gustong pumunta?" Sabi niya
"Pupunta siguro ako diyan sa huling buwan ng taon"
"Balak kong mag spend ng time sayo sa araw ng pasko at bagong taon"
"Pati narin siguro sa kaarawan mo" Sabi ko
Bumili agad ako ng ticket papuntang Mars
Nagpaalam na din ako sa Nanay ko na pupunta ako sa Mars
Sabi ng nanay ko, "dalhan mo ko pasalubong na sapatos"
Kapag ganun sinabi ng nanay ko, pumapayag na yun
Dali dali na akong bumili ng pasalubong para sa kanya dito
Magdadala ako ng mga bagay na wala sa Mars at nandito lang sa Pluto
Sobrang excited na akong Makita sa personal ang aking pinakamamahal
Na sa facetime ko lang makikita
Sabi ko, "hindi kaya ako mawala dun? First time ko eh"
"Makakapagsalita kaya ako kapag kaharap ko na siya?"
Inihanda ko na ang lahat ng aking mga dadalhin
Nagpabook na din ako ng matutuluyan ko doon
Handa narin yung mga bagahe ko
Handa na din yung sasabihin ko kapag Nakita ko siya
Handa na din akong mawala sa Mars
Mawala man ako, hihingi nalang ako ng tulong or follow the crowd nalang
*Makalipas ang ilang buwan
Dumating na ang araw na aalis na ako
Kinakabahan ako ng lubusan
Di ko alam gagawin ko
Mahaba-habang biyahe to papuntang Mars
Habang nasa biyahe ako,
nagsusulat ako ng mga gagawin ko dun
nagsusulat din ako kung ano sasabihin ko
Baka kasi matameme ako kapag Nakita ko na siya eh
Hindi ko namalayan,
Sa bilis ng oras
Sa kakasulat ko ay nandun na ako
Nakita ko siya agad
Pero di niya ako nakita
Tumakbo ako papalapit sa kanya
Niyakap ko siya agad
Kasi gustong gusto ko na siya yakapin
Namimiss ko siya kahit yun palang unang pagkikita namin
Sobrang ganda niya
Natatahimik ako at nakatingin lang ako sa kanya
Hindi ako makapaniwala na hawak ko na siya
Yung babaeng pinangarap ko ay nasa harap ko na
Yung pinaka asam-asam ko na araw ay dumating na din
Sa wakas!!!! Magagawa ko na yung mga pangarap kong gawin kasama siya
Masaya ako noong nandun ako sa Mars
Madami kaming ginawang masasaya
Yung sa bucketlist ko, nagawa ko
Basta kasama ko siya, parang ambagal ng oras
Pero lahat ng 'yon
Kailangan ko din bumalik sa Pluto
Pero hindi naman matatapos ang lahat ng 'yon sa ganun
Mauulit at mauulit pa naman
Hanggang sa pauwi na ako sa Pluto
Umiiyak ako
Nahihirapan akong magpaalam
Parang gusto ko na tumira doon sa Mars
Parang gusto ko lang kasama siya lage
Parang wala akong problema kapag kasama ko siya
Masaya kami kapag kami lang
Nagagawa ko yung mga pangarap kong gawin na kasama siya
Naihahatid ko siya sa work niya
nasusundo ko siya
Nahahatid ko siya sa Bahay niya
Tapos parang ayaw ko na matapos ang araw na kapag kasama kami
Kung pwede lang dun na ako mamalage eh
Gagawin ko talaga
Kailangan ko din umuwi kasi, alien ako sa Mars
Taga pluto talaga ako
Sabi ko, babalik ako, bubuohin natin ang pangarap natin dito sa Mars
Bigyan mo lang ako ng oras
Niyakap ko siya ng mahigpit,
Habang nagpapaalam ako sa kanya, ay maluha-luha ako
Parang ayaw ko na bitawan yung yakap ko sa kanya
Ang hirap pala ng ganito
Pero kakayanin.