"Nakatulong ba nung lumayo ako
'Di ba 'yon naman ang 'yong ginusto
Simula pa no'n, kahit hanggang ngayon
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo"- "Patawad, Paalam" by Moira Dela Torre & I Belong To the Zoo
Hindi ko alam ang sasabihin
Natatameme ako
Parang ang ingay ng utak ko
Pero ang tahimik ng bibig ko
Sobrang umiiyak ang puso ko
Pero wala ni isang tinig sa bibig ko ang lumalabas
Parang tama nga ang kanta ni Jessa Zaragosa,
"PARANG DI KO YATA KAYA"
or yung kanta ni April Boy Regino
"DI KO KAYANG TANGGAPIN"
kahit anong kanta man 'yon
Basta lahat ng malulungkot na sad love songs
Nagkaka sense sa akin
Parang ginawa ang kantang yung para sa amin.Pasigaw kong sinabi sa utak ko:
BAKIT???????
Bakit kailangang tapusin yung masayang samahan natin?
Saan ako nagkulang?
O sumobra ba ako?-END