Simula na pumunta ako sa Mars
Nabuhayan ako ng loob na mag ipon
Nagsusumikap ako para sa aming kinabukasan
Kada buwan, kada sahod ko ay nag-iipon ako
Para kung sakali na babalik ako sa Mars,
mas madami akong magagawa at matagal ang pag stay ko dun
Habang nandito ako sa Pluto
ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging masaya kami sa isa't isa
Gumagawa ako ng tula para sa kanya
Gumagawa ako para mailabas ko yung mga gusto kong sabihin
mga tulang nagsasabi ng tunay ko nadarama
dinadaan ko sa mga salita kasi hindi ko magawa ng personal sa kanya
iniipon ko ang lahat
Para sakaling magkikita kami ulit ay ibigay ko sa kanya
Nagpapadala din ako ng bulaklak kahit walang okasyon
Wala lang, pa surprise effect lang
Sa tulong ng kaibigan niya,
pinapadaan ko yung mga padala ko
Pero minsan dinidiritso ko na ang pagpapadala sa Bahay niya
Minsan binibilhan ko din siya ng pagkaen kapag hindi siya nakakaluto
Kapag nag ki-crave siya ng pagkaen, kapag available ay binibili ko
Sobrang sigurado ako sa kanya
Parang gusto ko na siya hanggang sa huli
Parang ayaw ko ng maghanap ng iba
Binuo ko na ang desisyon ko na sumunod ako sa Mars
Nagpaalam na din ako sa parents ko at sa kapatid ko
Na ang plano ko ay doon na mamalage
Nag agree naman sila, basta hindi lang ako makakalimot
Ibinihagi ko din sa mga kaibigan ko yung plano ko
Basta kung saan ako masaya ay susuportahan nila ako
Handa na ako, kahit maninibago ako doon
Kasi sigurado ako sa kanya
Pinapasaya ko siya hanggang sa makakaya ko magpatawa
Pero minsan di mo maiiwasan na may mga bagay na di kayo magkaintindihan
Ayaw na ayaw ko talaga na nag-aaway kami
ayaw kong matapos ang araw na yun na di kami nagbabati
lagi akong nagso-sorry agad
ayaw ko lumaki ang issue
Gusto ko lang talaga na masaya lang siya
Ito lang kasi yung kaya kong gawin kasi nasa malayo ako
May mga oras talaga na nalalayo na yung loob niya sa akin,
Siguro namimiss naming ang isa't isa kaya ganun
Siguro gusto niya akong yakapin pero di niya magawa
Minsan gusting gusto ko siyang yakapin pero di ko din magawa
*Di magkakaintindihan moments*
Ilang beses na din na sobrang busy na siya at wala siyang oras sa akin
Naiintidihan ko naman ang lahat ng 'yon
Minsan mabilis na siya nagagalit kapag nagtatanong ako
Kung saan siya puupunta
Sino kasama niya
Boyfriend lang naman ako eh, so parang feeling ko wala na akong karapatan
Pero iniisip ko, busy lang talaga siguro siya
Gusto ko din magawa niya yung mga bagay na gusto niya
Siguro nasasakal siya sa akin kapag lagi kong hinihingi yung oras niya.
Pinipilit ko nalang intindihin siya
kasi baka akala ko yung tama sa akin, ay mali pala talaga
Madalas kasi pinipilit ko siya
Kaya mali ko din na pinipilit ko siya
Ilang beses na nangyari na parang nawawalan na siya ng gana
Parang sa simula lang talaga kami naging lubusan na masaya
Parang totoo nga sabi nila na
"Sa simula lang masaya"
Magiging masaya naman kami parehas kung parehas kami ng ginagawa eh
Pero mali ako
Masyadong napafocus ako sa kanya
Hanggang sa napag usapan naming na magkikita ulit
Napagplanuhan naming na pupunta kami sa bansang tropikal
Pupunta kami sa Mercury
Basta Mercury, mainit dun eh malapit sa Sun
Tsaka gagamit ako ng mga salita para di malaman ng iba
So napagplanuhan naming na pumunta doon
Mga buwan din ang hinintay naming para magkita doon
Nauna siyang pumunta sa Mercury
May importante kasi siyang aasikasuhin para mga papeles nila
Sumunod ako makalipas ang isang lingo.