Highschool kami noon
Hindi pa kami magkakilala
Nakikita ko siya lagi sa skwela
Sa skwelahan ko lamang siya nakikita
Magkalapit lamang ang aming silid-aralan
Sa tuwing napapadaan siya
Napapansin ko siya agad
May laging hawak na panyo sa kamay
Chinita ang dating
Malinis ang pananamit
Mukhang mayaman
Mayaman nga sila
Medyo kyut ang height niya
Pero kyut din siya
Mahinhin magsalita
Tagalog ang pananalita
Hangkyut niya kausapAko naman, normal na tao sa mga kwento
Yung mapapansin niyo sa mga pelikula, hindi ako yung bida
Parang extra lang sa kwento
Yung di mo aakalain na magkakaron ng papel sa buhay niya
Yung du mo papansin na pwede pala
Sa panahon na ito 8 years from now ay may mangyayari palang kakaiba
Hindi mo talaga malalaman kung sino talaga ang para sayoHindi ko siya nakakausap, pero nakikinig lang ako kapag may kausap siya
Parang ang sarap sa tenga ng boses niya
Kahit wala kaming direct na usapan kahit hindi ako yung kausap niya, parang feeling mo parte kana ng usapan nila
Feelingero kasi ako dati
Sobrang mahinahon ang boses niyaHindi nagtagal hiningi ko ang facebook account niya.
At doon nagsimula ang istorya namin.Taong 2009, kakalikha ko lang ng facebook account ko kasi wala kami internet sa bahay
Sa kumpyuter shop lang ako nakakapag internet
Minsan doon pa ako sa chipipay na kumpyter shops
Walang aircon, sobrang init at tsaka mabaho
Pero tiis-tiis lang
Ang hirap din na walang internet sa bahay
Hindi kasi namin afford
Medyo mahal pa kasi yun
Ayun, nahanap ko na siya sa facebook
Inadd ko na siya sa facebook
At inaccept niya ako.
Sa facebook kasi dati, malakas kang magparinig sa crush mo
Tapos siya, laging nagpaparinig sa crush niya
Tapos ako, parang tanga, like lang ako ng like sa post niya kahit hindi para sa akin
Pero mas like ko talaga yung nagpost hihihiSimula nung na add ko na siya, dun na nagsimula ang usap namin.
Kinamusta ko siya, kinamusta niya ako
Nag usap-usap ng kung ano ano
Madaldal kasi ako sa chats.
Matahimik ako in person
Sa sobrang tagal namin mag usap
Parang gusto ko na tumira sa kompyuter shop
May minsan, hiningi ko yung number niya
Pero useless din wala akong load lageHabang nasa school kami,
May mga oras na nagkakatinginan kami pero never talaga kami nag uusap ng kami lang dalawa
Ang awkward kaya
Ang daldal ko sa chat tapos sa personal tameme ako.Malakas talaga ang loob ko kapag wala sa harap yung kausap ko
Nasasabi ko yung mga gusto kong sabihin ng hindi ako nauutal
Kapag kasi sa personal na, nauutal ako
Bumabaliko ang dila ko
Parang ang hirap magfunction ng dila ko kapag nasa harap ko na siyaMay isang beses, napagbiruan namin
Na after 20 years, na wala ka pa kaming mga asawa ay kami nalang
At nag agree naman siya
Totoo ito, kaso nabura ang mga mensahe sa facebook
Di ko alam bakit
Pero totoo itoNatapos ang highschool.
Nagkanya-kanya na kami
Syempre nasa kolohiyo na
Seryoso na sa buhay
Sa ibang school siya pumunta
Sa ibang school ako pumunta
Pero pinagsisihan ko talaga kung bakit di ako sa school niya ako pumunta
Sa ibang school ako pumunta kasi may scholarship ako dun
Kailangan ko ang scholarship na yun para mabawasan ang gastusin ng magulang ko
Pero minsan-minsan naman ay nakakapag usap parin kami sa mundo namin----- sa chat.
