Kaarawan ng tropa ko dito nun
Nagsasaya kaming lahat
May konting usapan at madaming inuman
Hindi ako masyado uminom
Kasi kakausapin ko siya sa araw na ito
Masaya ako
kasi naglalaan siya ng oras para sa akin
lagi kong hinihintay ang tawag or text niya
yun lang kasi nilo-look forward ko eh
wala din kasi ako masyado kausap
kung may kausap man ako
nanay ko o ate ko lang
Medyo napakalungkot ng mundo ko dati
Hanggang sa dumating siya sa buhay ko
Binago niya ang paniniwala ko sa pag-ibig
Na akala ko, wala na akong pag-asa sa love
pero mali ako, may tumanggap sa akin
Aaminin ko
Sa araw na to, sa kaarawan ng tropa ko
Sinagot niya ako
Hindi ako makapaniwala
akala ko biro lang
kasi medyo naka inom na ako nun
Sinagot niya ako
kinilig ako pero di ko pinapahalata
Sobrang saya pala
Naalala ko, hindi siya nagsasabi ng salitang "Mahal kita"
kapag hindi niya talaga mahal yung tao na 'yon
Nagulat ako kasi sinabi niya sa akin yun
Gustong gusto ko siyang ligawan sa personal talaga
Wala talaga tayo magagawa kapag mahal kana ng tao
Kung mahal mo diba bakit mo pa papatagalin
Pero medyo nahirapan ako sa kanya umamin
kasi Torpe ako
Di ko kayang umamin sa taong gusto ko
Pero madami na naman ako naligawan
pero sa kanya lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loon para aminin
Hindi kasi ako kapani-paniwala kung umaamin ako
Dinadaan ko kasi sa biro lahat eh
Confident ako sa ganung paraan
Nag-usap kami sa Facetime
Sobrang ganda niya at ang cute, parang di ako makapaniwala na nakakausap ko siya
Pero sa araaw na ito iba
natatandaan ko pa
Kulay pink yung suot niya sa araw na 'yon
parang aalis siya
Ako naman, nakapambahay lang kasi nasa Bahay lang ako
Nag-uusap kami ng matagal
Tinanong ko siya,
"Anastasia, mahal na kita, kelan mo ba ako sasagutin?"
Tumawa siya, sabay sabi. "lasing kana ata eh"
Sabi ko, "Nasa tamang pag-iisip pa ako"
"Kung nasa tamang pag-iisip ka, sumasayaw ka nga"
Ako naman si uto-uto ng pag-ibig, sinununod ko siya