Seleno~
"Attention, all freshmen, proceed to the auditorium for the orientation."
Lahat kami ay napatingin sa speaker ng classroom nang marinig namin ang announcement. Sakto naman na katatapos lang din ng klase namin sa last subject teacher namin, si Prof Zeke. Hindi ako naboringan sa klase niya. Bukod sa magaling siya magturo, gwapo din siya kaya naman lahat kami, especially girls ay naka-focus. Grabe naman kasi, parang hindi early 30's si Prof. Biruin mo, fit na fit pa rin kahit busy tapos mukhang malinis, no beard or mustache. Wala ring wrinkles, well hindi naman ganung katanda si Sir. Basta, ang sarap lang makinig sa kanya kasi nakikijam talaga siya unlike other profs na may clear boundary between the students and them. Kahit medyo complicated yung topic kanina, nakasabay naman ako kasi well explained naman at wala lang, fun.
Anyways, kailangan nga pala na mabilis kami pagdating sa mga announcements. Sinabi na yun sa amin ng adviser namin nung first day, well last week. Sinabi rin nila na seniors ang nag-aasikaso nun dahil malalaki na naman daw kami. I like that, siguro practice na din at assessment kasi nagsisimula na kami sa adulthood stage. Di na nga kami bata.
Maingay ang lahat-tunog ng upuan sa sahig, tsismisan at tawanan. Ako, tahimik lang na nag-aayos ng gamit. Hindi kasi ako masyadong nakikipag-usap o kahit mag-initiate man lang ng usapan. I know, medyo introvert ako. Since senior high school, ganito na ako. Ewan, arbitrarily, I changed. I lose friends and medyo naging mahina ako against depression. Madali na akong madepress and unconsciously, I attained anxiety. Pakiramdam ko, laging may sasabihin ang mga tao laban sa akin o kaya naman pupulaan ako. Minsan, naiisip ko na lang na pinaplastic lang ako ng mga tao sa paligid ko- na ayaw talaga nila sa akin. Bumaba rin ang self-confidence ko kaya naman di na ako masyadong naging active.
Just like now, iniisip ko na naman, paano kaya ako tignan ng mga kaklase ko? May mga ayaw kaya sa akin? Or may gusto bang makiget along sa akin? I think wal-
"Hi!" Bungad ng isang magandang babae sa harap ko. Matangkad siya at maputi. Medyo bilugan ang mukha at makinis. Bigla akong naconcious, grabe ang ganda niya tapos ako naman, hays. Minsan gusto ko na lang talagang ishutdown ang utak ko. Nakakabaliw!
"Hey," ulit niya at kumaway sa harap ko.
"Ay sorry, medyo lutang lang," sabi ko na kinatawa niya. Grabe dai, ang ganda ng ngipin. Pantay at maputi na medyo familiar... aha! Siya yung malakas tumawa na chick. Blockmate ko siya kaya siguro nilapitan niya ako.
"Seleno, diba?" tanong niya na sinagot ko lamang ng tango. "I'm Hailey. Papunta ka na ba sa auditorium? Sabay na tayo," dire-diretso niyang sabi. Napangiti na lamang ako at kinuha ang bag ko.
"Sige ba, wala rin naman akong ka-close dito eh," sabi ko naman. Hindi niya yata narinig ang sinabi ko dahil na rin siguro sa ingay at natural pang mahina ang boses ko. Lumapit siya sa akin at pinaulit ang sinabi ko. "Sabi ko, sige. Wala rin naman akong ka-close," sinubukan kong laksan ang boses ko na kinatawa niya.
"Ang hina talaga ng boses mo! Daig mo pa ko, grabe. Ako nga, kung makasigaw at makatawa akala mo di babae," sabi niya kasabay ng marahang pagtapik sa akin.
I shrugged and said, "Hindi naman by gender ang pagtawa o kalakasan ng boses." Parehas kaming natawa at naggesture na 'Tama ka dyan!'
Magaan ang pakiramdam ko kay Hailey. Pakiramdam ko, di niya ako huhusgahan. Tapos, masaya pa siyang kasama at kausap.
Aalis na sana kami kaso may tumawag kay Hailey na isa pang babae na sinundan naman ng pagtawag sa akin ng isang lalaki. Isang lalaki na medyo annoying. Kanina pa niya ako inaasar. Ang lakas ng boses niya, nakakairita sa tenga. Tapos ang feeling close niya at ang corny corny. Totoo talaga, gwapo sana siya kaso nakakainis lang. Pero pag dating naman sa tanungan kanina, tawa lang ang sagot. I wonder how he made it here. Siguro connection, kasi sobrang lousy niya at pansin ko, walang balak mag aral. Well, we barely know each other, siguro naman hindi siya ganun.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With a Playboy [BOYXBOY]
Aktuelle LiteraturCinco Abascal... That damn playboy is really a pain in ass.. in heart. He kept teasing me til I got use to it then he left. A typical flirt, casanova. I hate him. And I hate myself for loving him, still. ❝ I'M IN LOVE WITH A PLAYBOY ❞ - Written b...