Seleno~
IT'S BEEN a month since the orientation was conducted. And those days remind me how boring my life is. Pagkatapos ng araw sa school, dadaan ako sa bar para kumanta at uuwi. Wala nang oras pa para magsaya. As usual, nanatili lang akong tahimik samantalang ang tatlo kong kaibigan ay laging maingay na akala mo ikakamatay ang hindi pag-imik. Ewan ko na lang talaga sa kanila kung saan sila kumukuha ng malaking energy para magsalita nang magsalita. Eh ako nga, pag sumigaw ako, feeling ko mapapaos at mapapagod na agad ako. Hays.
Ang boring talaga ng buhay ko. Puro acads lang ako this month. Wala pang co-curricular at club activities. Ni wala pa nga pala kaming club kasi hindi pa kami inuutusang sumali. Pero kung tama naman ang pagkakaalala ko, siguro within this week, pwede na kaming sumali. Kasi next, next week ay Foundation Day na ng university. Kailangan daw maghanda ng booths and such para makakuha ng funds at for fun na rin.
Right now, may test kami sa Calculus kaya nga kagabi ay halos wala na akong tulog. Kaunti lang naman ang terms pero sa dami ng solutions, talagang malilito ka. Last subject na ito and yes, si Prof Zeke ang teacher namin sa subject na ito. Mabait siya klase pero sa test, super strict niya! As in, he forbid us to look at things but our questionnaires.
Pero alam niyo naman, sa buhay ko, laging may asungot. Katulad ngayon, katabi ko lang naman ang pinakagunggong sa lahat ng gunggong. No other than, Harrison. Ang bwiset na to, nangungulbit at pasimpleng nagtatanong ng sagot. Hindi man lang natatakot na mapansin ng teacher!
"Baby, anong sagot sa number 10? Tanginang test to ang hirap," bulong niya habang hindi inaalis ang tingin sa test paper. Hindi ko siya sinagot at nagsulat hanggang sa matapos ko ang solution ng number 25. Kung number 10 pa lang siya, pwes hindi siya aabot! Hanggang 50 kaya ang test na to tapos naconsume na namin ang kalhati ng oras na binigay samin para magsagot. Eh ako nga, hindi ko pa sure kung matatapos ko to. Paano ba naman, ang hirap na nga, ang deep pa ng terms na ginamit sa mga problems. Ang hirap tuloy intindihin. Hindi ko na nga sure kung Calculus ba talaga to o Literature eh.
"Tanginaaa," mahabang litanya ng katabi ko sa mahinang tunog. Saglit ko siyang nilingon at nakitang pinagpapawisan na siya. Kinakabahan na siguro ang gunggong. Nag-aral ba to? Siguro hindi pero pwede ding oo. Kasi natural sa kanyang mahirapan sa Calculus pero sa ibang subjects naman, average siya. Well, sa academic writing at oral communication naman ay nag eexcel siya. Dun pa talaga sa minor subjects niya.
Tinatanong niyo siguro kung paano ko nalaman, noh? Eh hindi ko naman siya block mate.
Eh famous ang kuya niyo eh. Lagi na lang siya ang bukang bibig ng maraming students dito. Kesyo magaling daw siya sa ganto, ganyan. Tsk. Eh tignan niyo kaya ang Calculus niya!
"Shit," mura niya at napatingin sa akin. Ngumiti siya ng nakakaloko at nagpogi sign. Nag-iwas ako ng tingin at muling nagsolve. Gusto kong umirap pero napangiti na lang ako kasi ang gwapo niya sa part na yun. Bat ganun, ha? Nakakainis. Sarap tuloy bigyan ng sagot. Charot.
Tinignan ko siya ulit at halatang hirap na hirap talaga siya kaya naman wala na akong nagawa kundi tumayo at pasimpleng ibigay sa kanya ang first 3 pages ng test paper kong tapos ko nang sagutan. Saka ako naglakad papunta kay Prof Zeke dala ang last 2 papers ko at nagtanong.
Sinulyapan ko si gunggong at nakatingin siya sa akin. He mouthed 'thank you' saka nagflying kiss. Inirapan ko naman siya at napangisi.
"What's your question, Mr. Reale?" the prof asked. Ang lalim talaga ng boses ni sir. Pero nakakatakot kasi alam mong puno ng autoridad.
"Ah sir, dito po ba sa question number 30, pwede po bang sa likod na ng paper ko ilagay ang solution? Ang haba po kasi eh," sabi ko. Alam kong oo ang sagot pero kailangan ko paring magtanong para hindi niya mahalata ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With a Playboy [BOYXBOY]
General FictionCinco Abascal... That damn playboy is really a pain in ass.. in heart. He kept teasing me til I got use to it then he left. A typical flirt, casanova. I hate him. And I hate myself for loving him, still. ❝ I'M IN LOVE WITH A PLAYBOY ❞ - Written b...