Seleno~
"CONGRATULATIONS, you are now official member of Melodic Engineers," sabi ni Ate Pam at ibinigay sa akin ang isang badge na gear ang shape at may microphone sa gitna. Ang ganda ng itsura niya dahil sa kulay at sa concept. Medyo mabigat din ito kaya siguro di lang talaga to basta badge.
Napangiti ako at nagbow nang nag bow habang nagpapasalamat. "Salamat po, salamat po sa inyo," sabi ko. Nakangiti silang lahat at nagsimulang magpakilala. Mukha silang mabait at madaling pakisamahan tho nung una medyo strict at cold ang itsura ng iba. Feeling ko, masaya sa club na napasukan ko. Worth it naman ang kaunting pagkawild ko kanina. Hahahaha!
"Grabe, beb. Di ko inakala yung boses mo. Ang ganda! Tapos ang ganda mo pang pagmasdan sa unahan!" compliment ng isang member na agad ko namang sinagot ng pasasalamat. Pinuri nila ako nang pinuri. Ika nila, unexpected daw talaga ang boses ko. At sinabi rin nila na may kaunting alam sila na nakanta ako dahil sa maikling video ko habang nagpeperform sa Shaky, ang bar na pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko dahil rule sa bar ang no camera allowed. Paano kaya sila nakapuslit? Ang higpit pa naman ng security dun!
Hinawakan ako ni Ate Pam sa balikat. "Ngayon na official ka nang part ng club, nararapat lamang na ipakilala ko sa iyo ang dalawa mo pang kasama na nakapasa sa audition," sabi niya saka umutos na ipatawag yung sinasabi niyang kasama ko. Pumasok ang isang babaeng may ash na buhok. Maganda siya. Grey din ang kulay ng mata na halata namang contact lens at maputi rin siya. Average lang ang tangkad at ang built ng katawan. Kasabay niyang pumasok ang isang binabae na may prominent cheek bones, black hair and eyes, at piercing sa kanang tenga. Kutis mayaman siya dahil sa kaputian at kakinisan. Samantala, may pagka-androgynous din siya. Pero sa kanilang dalawa, pinakamapapansin mo talaga ang mataray nilang tingin.
"Here is Rhianna Rouen," tukoy ni Ate Pam sa babae na tinaasan lang ako ng kilay. "And Gill Viendich," tukoy naman niya sa binabae na tinignan ako mula ulo hanggang paa saka nagsmirk na parang nangmamaliit.
What an attitude. Ang rude naman nila. Can't they just greet me and pretend they're kind and polite? Nakakainis naman. Pero bilang hindi ako pinalaking bastos ng mga magulang ko, magalang akong nagpakilala though pare pareho lang kaming freshmen.
"I'm Seleno Reale, nice to meet you," sabi ko at nagpakawala ng isang ngiti. Hindi nila iyon pinansin na kinahiya ko naman. Ang rude talaga!
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ate Pam. "Okay so kayong tatlo ang magiging star ng performance natin next next week. Further information later, sa ngayon magandang magsama-sama muna kayo sa ating club room at makilala pa ang ilan nating kamembers," mahabang sabi niya na sinunod naman namin. Pero bago iyon, magalang kaming nagpaalam na tatlo saka lumabas ng auditorium.
Nagtanong ako sa isang senior sa labas kung saan ang club room dahil mukhang walang balak magtanong yung dalawa. Bilang wala naman akong alam kung saan ang room, mabuti pang ako na ang magtanong.
"Building na katabi ng dormitory. 3rd floor, 1st room sa kaliwa," sagot niya na pinasalamatan ko naman. Nagsimula kaming maglakad papunta sa lugar. Nasa likod ako nilang dalawa at sa duration ng paglalakad namin, panglalait ang natamo ko.
"Can't they pick a more classy member? Look at him. Hindi siya bagay sa club!"
"He doesn't even look like he knows how to sing."
"He acts like an innocent weakling. Tss. Annoying."
"Yeah, right. Siguro connections lang kaya siya nakapasok. I mean, look at him. Hindi natin siya kalevel! Mukha siyang high schooler."
BINABASA MO ANG
I'm In Love With a Playboy [BOYXBOY]
Ficción GeneralCinco Abascal... That damn playboy is really a pain in ass.. in heart. He kept teasing me til I got use to it then he left. A typical flirt, casanova. I hate him. And I hate myself for loving him, still. ❝ I'M IN LOVE WITH A PLAYBOY ❞ - Written b...