Seleno~
"GREETINGS, students. Have a nice day joining our clubs!"
Maraming tao ang nagkalat sa malawak na field ng university. At sa dinami-dami ng tao sa field, ni hindi ko man lang nakita ang tatlo kong kaibigan. Si Hailey at Georgina, ang alam ko eh magkasama silang maghanap ng club na related sa arts. Inaya nila ako pero I said no. Wala akong talent dun. Kahit man lang padrawing ng tao di ko kaya. Stick man lang talaga ang kaya ko.
Kasi si Hailey, magaling siya pagdating sa filming. I've read the scripts she wrote and watched the films she directed at masasabi kong she got a talent. While Georgina, she really excel in fashion. Hindi lang siya magaling sa pagm-make up. Pati na rin sa pagsketch ng mga damit.
Ang nakakapagtaka lang eh kung bakit hindi sila kumuha ng Bachelor of Arts. May mga talent naman sila at halatang gusto nila ang ginagawa nila na related dun. Hindi rin naman issue ang pera kasi mayayaman sila. Hays. Things are complicated. At nakakapagod mag isip.
Meanwhile, wala akong ideya kung saang lupalop sumuot si Harrison. Kahapon ko pa siyang di makita mula nung umalis siya para magbar. Hays. Nainggit tuloy ako bigla. Gusto ko din magkanightlife pero mukhang malabo dahil sa schedule ko at wala rin akong makakasama. Ang pagtatrabaho ko sa bar— ang pagkanta, hindi siya nightlife. Nakakapagod na trabaho yun tapos ang liit pa ng sweldo.
"Mag-isa ka?" tanong ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Hindi malalim, pero halatang panglalaki. Ang lakas makagwapo— boses pa lang. At alam ko kung sino yun kaya nilingon ko siya at bumungad at gwapo at nakangiting mukha ni Kuya Sin. Napangiti ako at lumapit.
"Good morning, Kuya Sin. Opo, mag isa lang po ako," sabi ko at lumingon sa kaliwa't kanan then I shrugged. "Mabilis pong maglaho ang mga kaibigan ko eh," I continued that made him chuckle. That was hot— I don't why I compliment him much but I really appreciate him. Those messy brownish hair, mesmerizing deep brown orbs, thick brows, pointed nose, sexy thin lips, his prominent jaws and that very proportionate fit body. Dumagdag pa ang hindi kaitimang kulay niya at kakinisan na halatang mayaman. Matangkad din siya at higit sa lahat, mabait siya.
Umakbay siya sa akin saka nagtanong, "Saang club mo gustong sumali? Pwede kitang samahan." Pakiramdam ko namula ako dahil sa pagkakaakbay niya. Ewan ko, siguro dahil nakakakilig ang kagwapuhan at kabanguhan niya. I've never seen a guy as manly, nice, drop dead as him. Hays, ang swerte naman ng magugustuhan niya. Jowable na jowable ang jowa niya. Sana ako na lang— charot.
"A-Ah eh, baka po marami pa po kayong gagawin," sabi ko kasi nakakahiya. Baka maabala ko pa siya. Malay mo marami pa siyang dapat asikasuhin sa clubs niya. Tapos magiging abala lang ako.
He chuckled and I felt his hand pat my head. "Silly. You're my junior and I always have time for you," sabi niya na naging dahilan para mag unahan ang blood cells ko papunta sa pisngi ko. Feeling ko sasabog na ko sa kilig! "Damn, you're cute when you blush!"
Nahiya naman ako sa sinabi niya. Baka kasi maasiwasa siya sa akin dahil bakla ako. I mean, baka hindi maganda sa paningin niya na kinikilig ang sa isang lalaki ang isang nakabihis lalaki. Baka pinakikisamahan niya lang talaga ako dahil sa junior niya ako at ayaw niya lang na maoffend ako.
Pinilit kong kumalma para mawala ang pamumula ng mukha ko. "Sorry po," sabi ko sa kanya at awkward na napatingin sa daan.
"Why? Don't be sorry, Seleno. Wala kang kasalanan," sabi niya at kinurot ang pisngi ko. Ayan na naman. Feeling ko muli akong namula. Bakit ba kasi ganito ang linyahan ni Kuya Sin? Hindi ako sanay na makarinig ng mga ganun! Nakakakilig! "By the way, saang club ka ba sasali?"
BINABASA MO ANG
I'm In Love With a Playboy [BOYXBOY]
General FictionCinco Abascal... That damn playboy is really a pain in ass.. in heart. He kept teasing me til I got use to it then he left. A typical flirt, casanova. I hate him. And I hate myself for loving him, still. ❝ I'M IN LOVE WITH A PLAYBOY ❞ - Written b...