Part 3

25 8 0
                                    


Nagsimula ang lahat sa sunog na kanin.

Ipinagmamalaki ni Victor ang kanyang matalinong estudyanteng si Josefa nang ilapag ko ang nasunog na kanin.

Ngayon, narito ako sa silid pambisita, kasama si Kristina, ang aking walong taong gulang na anak.

"Buksan mo ito, Flora!" sigaw ng aking asawang si Victor habang kinakalabog nang malakas ang pinto.

"Inay, ganyan ba si Itay kapag siy'y nagtuturo sa iskul?"

"Hindi, Kristina," sagot ko, "Ang itay mo ay kilala bilang isa sa mga pinakamabait na guro sa paaralan."

"E, bakit kapag nasa bahay, lagi ka niyang sinasaktan?"

Hindi ko alam ang sagot. Tila dalawa ang pagkatao ni Victor. Sa umaga, isa siyang kagalang-galang na guro. Sa gabi, isa siyang mabagsik na asawa.

Hindi na bago ang eksenang ganito. Kung sa estudyante, alam mong matapos ang English ay Math na ang kasunod.

"Kristina, pumasok ka na sa ilalim ng kama. Huwag kang lalabas hangga't hindi natatapos ang kalabog!" utos ko.

Dali-dali namang sumunod ang aking anak. Malakas na bumukas ang pintuan sa silid. Pumasok si Victor, nag aalimpuyo sa galit.

Sa mga pagkakataong ganito, bumabalik ang turo ni Inay tuwing sabado ng alas-otso.

Habang papalapit si Victor, lumuhod akong paharap sa kanya at pumikit. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at inisip na lilipad ako na parang isang ibon...

Gamugamong TalimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon