Ngayon, hindi na ako tatakbo. Alam ko na ang dapat gawin...
Inagaw ko kay Inay ang gaserang hawak niya, Ihinagis ko iyon sa di kalayuan. Sumabog iyon at nagkaroon ng malakas na apoy.
Tinungo ng mga gamugamong talim ang apoy. Nasunog ang kanilang mga pakpak. Tinupok ng apoy ang lahat ng mga gamugamong talim.
Nagsisisigaw si Inay...
Biglang bumukas ang langit. Kakaibang liwanag ang dala nito.
Natalo ng liwanag ang dilim.
Biglang nawala si Inay...
"Inay?" narinig ko ang tinig ni Kristina.
Sa aking pagdilat, nakita kong nakatitig sa akin ang anak ko.
"Kristina, anak," sabi ko habang hinahaplos ang kanyang ulo.
"Si Itay?"
"Dinakip ng mga pulis," sagot ko. "Nakakulong na ang Itay mo."
Sa kauna-unahang pagkakataon, tumulo ang luha ko para kay Victor. Tila ang pagkawala ni Inay sa aking bangungot ay sumama rito ang pait ng puso ko kay Victor.
"Mahal n'yo pa rin ba si Itay?" tanong ni Kristina.
"Oo," sagot ko.
"Kahit muntik na niya kayong saksakin?"
"Oo."
Umiyak si Kristina. Iyak ng tuwa dahil ngayon niya lang narinig na mahal ko ang kanyang Itay.
"Magpahinga ka na," sabi ko. "Pag nakalabas ka na rito sa ospital, dadalawin natin ang Itay mo."
Sa lahat ng pananakit ni Victor, hindi ko maipaliwanag kung bakit napatawad ko siya.
Nakatulog akong mula at sa aking sunod na panaginip, napansin kong may tumutubong pakpak sa aking likod. Isa na
akong gamugamo. Ang kaibahan lang sa aking mga naunang panaginip, isa akong gamugamong walang talim.
At ngayong isa na akong gamugamo, nagpasiya na akong sumunod sa liwanag.
BINABASA MO ANG
Gamugamong Talim
HorrorAng kahapon ni Flora ay punung-puno ng pasakit mula sa kanyang inang mangkukulam. Ngunit hanggang ngayon, si Flora ay nabubuhay sa pait ng kahapon kasama ang kanyang asawa at anak na babae. Ngunit may mga gabing bumamalik ang kanyang patay na ina sa...