"Hindi na iyan kailangan, Inay," sagot ko. "Alam kong hindi riyan nanggagaling ang totoong kalakasan."
"Mahina ka, Flora," mapait na sabi ni Inay.
"Inay, mas bubutihin ko pang maging mahina kung ang kapalit nito ay kasiyahan at pusong nagpapatawad."
Pumikit si Inay. Itinaas ang kamay.
"Gamugamong maitim
Gamugamong naghahanap ng dilim
Sakit ang ipatitikim
Ng mga gamugamong talim!"
Lumakas ang hangin kagaya ng nag-aalimpuyong galit ni Inay. Umangat ang mga tuyong dahon at dumagundong ang lupa. Unti-unting dumilim ang paligid. Kasabay nito ang pagpatak ng mapait na tubig mula sa luha ng itim na ulap.
Lumakas ang gaserang hawak ni Inay. Kasabay nito ang paglaki ng aninong nagmumula sa katawan ng patay nitong katawan.
May binubulong si Inay. Ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig ay hindi ko naiintindihan dahil malapit ito sa tunog ng isang ahas.
Nagbuka ng labi si Inay. Inilabas ang kanyang mahabang dila na may hati sa gitna. Gaya ng inaasahan, naglabasan mula sa labi ni Inay ang napakaraming gamugamo. Umakyat sila sa maitin na ulap ngunit nakikita mo pa rin ang kinang sa kanilang mga buntot.
Tumawa nang tumawa si Inay.
Unti-unting lumipad ang mga gamugamo papunta sa akin...
BINABASA MO ANG
Gamugamong Talim
HorrorAng kahapon ni Flora ay punung-puno ng pasakit mula sa kanyang inang mangkukulam. Ngunit hanggang ngayon, si Flora ay nabubuhay sa pait ng kahapon kasama ang kanyang asawa at anak na babae. Ngunit may mga gabing bumamalik ang kanyang patay na ina sa...