Inilabas ko ang aking mga pinamili. Hinugasan ko ang mga gulay. Matapos ang mga ito, sinimulan kong hasain ang kutsilyong mapurol.
"Kristina," malakas na tawag ko, "pakibaba naman ang lagayan natin ng marurumig damit. Maglalaba ako bukas.
Sasamsamin ko iyan pagkatapos kong magluto."
Bumaba si Kristina at napuna ang pagkikiskis ko ng kutsilyo sa panghasa.
"Ganyan pala iyan, Inay."
"Ilagay mo na lang diyan," utos ko.
"Hindi na po, Inay. Ako na lang ang maghihiwalay," sagot ni Kristina.
Matalas na ang kutsilyo ngunit hinasa ko pa rin upang higit na matalim. Napansin kong lumalabo ang ilaw kaya tumingala ako.
Nakita ko ang napakaraming gamugamong nagliliparan at tila sumasayaw sa tunog ng kutsilyong nakikiskis.
"Gamugamong talim," bulong ko sa sarili.
Kumurap ang ilaw. Sumayaw sa saliw ng dilim ang dumaraming gamugamo.
"Inay," tawag ni Kristina habang dahan-dahang lumalapit sa akin. Hawak ang isang pantalon ni Victor. "Nakita ko sa bulsa ni Itay."
Inabot ni Kristina ang isang papel na nakatupi. Binasa ko. Ang sulat ay para kay "Sir Victor" mula sa estudyanteng si Josefa. Tila takot na takot si Josefa na malaman ng kanyang mga magulang na siya ay buntis. Sinisisi ni Josefa si Sir Victor niya dahil ang sinabi raw nito ay hindi siya mabubuntis kahit gawin nila iyon.
May dumapong gamugamo sa aking mga mata. Tumulo ang luha.
Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Victor. Humalik siya sa amin ni Kristina.
"Kristina, doon ka muna sa salas," utos ko na siya namang sinunod ng aking anak.
"Bakit?" tanong ni Victor.
BINABASA MO ANG
Gamugamong Talim
HorrorAng kahapon ni Flora ay punung-puno ng pasakit mula sa kanyang inang mangkukulam. Ngunit hanggang ngayon, si Flora ay nabubuhay sa pait ng kahapon kasama ang kanyang asawa at anak na babae. Ngunit may mga gabing bumamalik ang kanyang patay na ina sa...