MMW: 7

9.7K 280 16
                                    

N/N:

Sa lahat ng storya ko, ito ang pinaka-hindi ko ginawa. Pero wala eh, ito ang nararamdaman ko na gusto kong maramdaman niyo rin. Kung nasanay kayo sa pagiging light ng eksena ng His Husband o kahit ano pa man 'yan. Ito na yata yung pinaka-- ugh.


Dedicated ito kay PermanentInfinity, sana nga mayroong infinity :) Sana nga pwedeng mayroon na pang habang buhay.



MMW: 7


"You call me up again just to break me like a promise, so casually cruel in the name of being honest."


JOHN ANDREW:


Nang makauwi ako sa condo ko ay pumunta ako agad sa kwarto. Pagkapasok ko ay nakita ko ang nakakalat na panyo ni Marky. Kukunin ko sana pero nag-ring ang cellphone ko.


"Pare! Kung ako sa'yo balikan mo na si Charles! Ginagago tayo ni Sky!" Gigil na sabi ni Robin. Isa sa mga Six Degrees.


"Bakit? Akala ko ba tapos na tayo dito? Tangina pare, tiniis ko si Charles para lang hindi siya lapitan ni Sky." Medyo galaiti kong sagot dito at ibinato ko ang panyo ni Charles.


"Oo pare, narinig ko kasi na frame up to. Hindi ko na narinig yung iba basta ang narinig ko lang, planado nila 'to. Pare bantayan mo si Charles." Kalmadong sabi ni Robin.


Binaba ko na lang ang telepono ko huminga ng malalim. Gago talaga yung Sky na 'yun! Sobrang tuso, naiiyak ako sa sobrang galit. Sana pala hindi ko na lang siya sinaktan, sana mas madali siyang protektahan.


Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinignan ang wallpaper ko, ito yung picture namin dalawa habang nasa kama kami na kasalukuyang hinihigan ko ngayon. Ito rin yung aftermath pagkatapos niyang ibigay sa'kin ang lahat-lahat niya. Ito yung araw na sobrang saya ko dahil nakilala ko na ang taong makakasama ko habang buhay.


Pero wala na siya.


Pumunta ako sa contacts at tinignan ang number niya.. Tatawagan ko na ba? Parang ganito din yung ginawa ko nung brineak ko siya. Ipinagsawalang bahala ko na at dinial ang number nito.


Mga ilang sandali itong nag-ring at sinagot niya nagsalita na siya.


"Hello." Medyo seryoso nitong sagot sa telepono.


Muling tumibok ang puso ko. Everything about him makes my heartbeat ugh.


"Hello Andrew, ano nanaman ba 'to?" Medyo irritable niya nang sagot ulit.


"Namiss lang kita Marky." Seryoso kong sagot dito at nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.


My Mr. Wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon