N/N:
Ito yung chapter na sobra akong pinahirapan, 2:48 a.m. na at wala pa kong nasisimulan. I deleted the scene na ayoko at nasobrahan na sa gulo ang plot ko! I was like WTF, si Andrew nga pala ang nakipagbreak. Ayun deleted ang una kong nagawa! Grrrr.
Dedicated to JeroneFernandez, may kamukha ka actually. But nevermind hahahah. Enjoy reading :))
MMW: 8
"Nothing safe is worth the drive.."
JOHN ANDREW:
Nagising ako, nakatulog pala ako mula sa pag-iyak ko kagabi. Tangina, ang gay. Ngayon ay parang nabuhayan ako sa binalita sa akin ni Robin, baka nga may pag-asa pa kami ni Charles.
Bumangon na ako at nakita ko nanaman ang madumi kong kwarto, napangiti ako. Naalala ko kapag nililinis ito ni Charles. Kung paano niya ibinubukod ang marurumi kong damit sa hindi.
"Hmmm." Pangiti kong paglakad sa paligid ng kwarto ko.
Kinuha ko na ang twalya at pumasok sa banyo. Habang naliligo ay iniisip ko kung paano ko nga ba maproprotektahan si Charles kay Sky? Ayon kasi sa mga frats na natalo namin dati ay tuso daw si Sky sa mga kapalit na hinihingi nito.
Pero napansin ko na bakit si Charles ang gusto niya? Hindi kaya bakla si Sky para ang boyfrien ko ang magustuhan niya? What the fuck? Pero alam kong mayroon siyang ginagawang katarantaduhan kaya ito ang ginawa niya. Ako naman si tanga na sumunod at madaling nabilog ang ulo.
Kasalanan ko bang lahat ng gusto ko para kay Charles ay para sa kaligatasan niya?
Nang makalabas ako ng banyo ay agad akong nagbihis ng casual na damit. Ganito na ang ginawa kong routine dahil nga rin wala namang pasok.
**
Medyo may kataasan na ang araw nang makarating ako sa tapat ng bahay ng taong mahal ko. Nakita ko pa nga si Mama niya na nagwawalis pa sa labas ng gate nila. Napangiti ako.
Mukhang napansin ako ng nanay niya na nakatayo sa likod ng isang hindi kilala kung kaninong kotse.
"Hijo, bago ka lang ba dito?" Ang sabi ng Mother in Law ko.
"Hindi po, may binabantayan lang." Pilyo kong sagot. Anak niyo po ang binabantayan ko
"Nagbabantay? Bagong raket 'yan ah? Sino namng binabantayan mo dito sa lugar namin?" Kumunot pa ang ulo nito. Nakorner yata ako.
"Basta ho, confidential eh." Palusot ko, napatango-tango naman si Mama.
"Bahala ka. Oh siya, bukas ang bahay namin para sa'yo. Mukha namang mapagkakatiwalaan ka eh." Ito ang huling pahayag na binitawan nito at pagkatapos ay naglakad na.
BINABASA MO ANG
My Mr. Wrong (COMPLETED)
RomanceBigla na lang siyang dumating at hindi mo inaasahan. Ang pagmamahal niya ay parang isang ulan na mabilis, mabugso, at matindi pero lilipas at mawawala rin. May pag-asa pa kayang bumalik ang pag-ibig galing sa isang maling tao? © JayceeLMejica, 20...