MMW: 2

14.9K 348 27
                                    

MMW: 2


"I never saw you coming.."


HIS POV:


"Ano pa ba talaga ang kailangan niyo?" I said pagkapasok ko ng hideout ng mga gago.


"Ang lakas din ng loob mo? You think na ganun lang? Pera lang ang habol namin? Fuck you! Money is not important." Said Sky habang prenteng nakaupo.


"What do you want?" Gigil kong tanong dito.


"I don't know, we can't tell. Baka mamaya may magustuhan ako, sasabihin ko na lang sa'yo. Get it?" Sabi nito sabay ngiti na nakakagago.


Lumabas na lang ako pagkatapos ng usapan namin ni Sky. Tuso talaga ang gago. Siya ang Gang Leader ng Sky High. Ang corny ng pangalan, ang gang nila ang mortal na kalaban ng gang ko. Nagkataon lang na natalo kami sa huling laban namin sa underground at ang kapalit ay pera at ang isa ay kung ano ang gusto ni Sky.


Wala pa ring napipili si Sky hanngang ngayon. Hindi naman ako kinakabahan. Naiinip lang ako. Ang tagal kasi mamili.


Sumakay na ako sa kotse kong Subaru, color black. Sakay rin kita? Hehe. Gabi na rin kaya dumiretso na ako sa condo ko. Wala rin naman kasi ang magulang ko dito, busy sila sa trabaho. Walang nag-aalaga sa'kin dito sa Pilipinas. My grandmother died a year ago kaya parang wala na kong kasama sa buhay.


Nagdrama amputa? Hahaha, reality hurts. Simula noong nag-high school ako ay napabilang ako sa isang gang. Ten Degrees ang pangalan namin 'nun dahil sampung tao kami at kilala sa buong campus, pero ang gago lang dahil trinaydor kami noong apat.


Naging anim na lang kami at pinalitan namin ang pangalan bilang 6 Degrees. Lalo kaming nakilalang anim dahil nga kilala kami sa pagiging astig at pakikipag-away. Yung apat na nang-gago sa'min ay tinuruan din namin ng leksyon. Ayun drop-out!


Suki na rin kami ng underground battles. Undefeated kami ng halos 3 consecutive years. Kung hindi lang talaga kami natalo ng gagong Sky na 'yun 'edi sana apat na taon na kaming undefeated.


Hinubad ko na ang suot kong damit at itinira na lang ang suot kong boxers at nahiga na. Unti-unti ay naramdaman ko na ang antok.


CHARLES:


"Anak nakatulog ka ba?" Tanong sa'kin ni Mama pagbaba ko ng hagdan. Hindi kasi ako nakatulog kagabi sa paggawa ng assignment.


Bukod pa dun napagod din naman ako sa coffee shop kahapon. Mabuti na lang ay medyo matibay ang resistensya ko kaya ayun! Hindi namana ko nagkakasakit, alagang-alaga hahaha.

My Mr. Wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon