MMW: 9

9.1K 269 21
                                    

N/N:

Ang susunod na kabanata dito ay ang huling kabanata na ng istoryang ito. Gusto kong magpasalamat sa mga nagbabasa nito. Alam ko naman na karamihan sa inyo ay silent readers lang. Pero thank you pa din!


Dedicated ang chapter na ito kay AscSasaCustodio. Enjoy reading! :))


MMW: 9


"I know places we won't be found.. I know places we can hide."


JOHN ANDREW:


Nakita ko na kinuha nila si Charles, inipon ko ang lahat ng lakas ko para makabangon na nagawa ko din naman.


Pero huli na ang lahat dahil naisakay na nila si Charles sa dala nitong van. Iika-ika akong naglakad papunta sa sasakyan ko na nasa tapat pa ng bahay nila.


Tuso talaga si Sky! Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Robin. Unti-unti nang lumalakas ang katawan ko.


"Hello." Sagot nito sa linya.


"Robin, I need Six Degrees now. Kinuha na ng frat ni Sky si Charles!" Tarantado kong sabi dito.


"What? Okay pare, I got it. Pumunta tayo sa hideout nila." Medyo nataranta na din ito dahil sa'kin.


Sumakay na ako sa bigbike ko at nagsimula ko na itong paandarin. Mabuti na lang at hindi traffic dahil dead hours ngayon, almost 1:00 p.m. na eh.


Nang makarating ako sa tapat ng hideout nito ay wala naman akong napansing kakaiba. Parang wala ngang tao eh, pumasok ako sa lugar at nakita kong wala ngang tao kaya dali-dali akong pumasok.


Hindi nila pwedeng saktan si Charles. Ako na lang dapat ang sinaktan nila. Dapat kasi hindi na lang pala kami sumali sa Underground Battles. Kung ito pala ang ganti ng tadhana sa'kin, hindi na sana ako naging si Andrew.


Pero hindi, para saan pa at kailangan din naman ako ng mahal ko ngayon? Kailangan kong magtyaga para sa kanya. Kailangan maging maayos ang relasyon na sinira ng panahon.


Nang makaakyat ako sa pinakataas ng abandonadong building, bigla na lang may pumalibot sa'kin. Sila 'din yung kanina, tangina kailangan kong makabawi.


Lumapit ang isang gagong nakapaligid sa'kin at akmang sasapakin ako pero nahawakan ko ang kamao nito at binalihan ko ng suntok gamit ang kabilang kamay ko sa sikmura nito. Hindi pa rin ito sumusuko at hawak pa rin ang kamay ko pero binalyahan ko ito sabay sipa na siyang ikinatalsik nito.


Sumunod naman ang isa pa, na siya rin namang ginawa ko pero mautak ang gago, nakorner ako sa likuran at sinapak ako. Habang gapos ako ng kamay niya ay narinig ko pang nagpupustahan ang iba pang gago na siyang ikinainis ko kaya kinuha ko ang kamay nito at hinawakang mahigpit at pagkatapos ay medyo lumuhod ako ng kaunti at itinapon ko ito pabaliktad.

My Mr. Wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon