Epilogue

14.8K 457 208
  • Dedicated kay HIM
                                    

N/N:

Sa lahat nang naging kwento ko, ito ang unang ginawan ko ng epilogue. Why? Dahil gusto ko kahit na sa simpleng paraan ng paglalagay ng Chapter title ay may matapos na eksena sa buhay ko. Nagsimula ang lahat nang makilala ko siya at ngayon tatapusin ko na, makalipas ang isang taon. Pinasasalamatan ko si Taylor Swift! Hehehe kung nababasa niyo ang mga quotes mula MMW 2 hanggang dito sa Epilogue, lahat 'yun ay kanta niya. Last is yung mga readers nitong kwento na 'to, maraming salamat din :)


Dedicated sa taong nagpaasa sa'kin sa isang pag-ibig na hindi naman mangyayari. Pinadama ang kantang I Knew You Were Trouble matapos masangkot sa isang eskandalo. At ngayon binubuksan ng isip ko dahil sa kanya na "True love is worth the wait." Thank you sa lahat ng natutunan ko sa'yo, at salamat din sa pakikipag-kaibigan sa'kin. I think I'm finally CLEAN.



MMW: EPILOGUE


"But on a Wednesday in a café, I watched it begin again."


JOHN ANDREW:


Tinupad ko ang sinabi niya. Hindi na kailanman nagpakita sa kanya. Hindi na ako pumunta sa bahay nila para makita at mabantayan siya. Pero mayroon akong monthly updates sa kanya. Mahirap kasi dahil busy na rin naman ako ngayon.


Nakatapos ako ng pag-aaral, nagkaroon ako ng award pero hindi cumlaude dahil nga marami naman din akong failing at withdraws sa mga kagaguhan ko dati. Marami na ang nangyari pero halos lahat ng nangyari ay hindi ko pa rin nakakalimutan.


Tatlong taon na nang mangyari ang engkwentro namin ni Sky at pagkawala ni Charles sa buhay ko. Pagkatapos 'nun ay wala na rin naman akong inibig pa. Pinanghawakan ko ang bilin sa'kin ni Charles na ayusin ang buhay ko.


Tumayo na ako sa kama ko, sa isang village na ako nakatira. Kung inaakala niyo ay madumi pa rin ang kwarto ko? Nagkakamali kayo, malinis na ito ngayon at mabango. Napangiti na lang ako pagkatayo ko sa kama at naalala si Charles.


Ang balita ko sa kanya noong nakaraang buwan ay natanggap na ito sa trabaho sa isang hotel. Branch Manager daw, hindi naman kasi siya nabigo sa pag-aaral eh. Magna Cum Laude ang nakuha niya ng makapagtapos siya ng college. Sayang lang at wala ako dun, wala ako sa masasayang parte ng buhay niya.


Natapos akong maligo at nagbihis na. Ito na ang huli kong gagawin para sa pagbabago na sinasabi ni Charles. Ito na yung dapat matagal ko nang ginawa.


Bago muna iyon, nagbago na rin ang Six Degrees matapos n'on. Hindi na kami sumali sa underground battles bagkus ay tumulong na kami sa mga charities ng mga bata at sinuportahan na rin ang karapatan ng kababaihan. Ginawa ko 'yun para sa mga naging karelasyon kong katulad ni Andrea.


Nakalimutan ko, ayan nga pala yung award ko nung college! About sa charity works. Syempre magkakasama kaming buong tropa 'dun sa award!

My Mr. Wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon