Unang Sakit

22 1 0
                                    

Ang sarap kang mahalin ng bawat saglit
Pero di biro yung masasaktan din ako ng paulit-ulit
Ang sarap na makita sa likod ng aking mga mata ang masasaya nating alaala
Ang sarap din makita na harap harapan mong tinutuloy kasama ang iba

Kasama ang bawat tibok ng nasisira kong puso
Ang bawat salitang narinig sa mga labi mo
Ang salitang mahal kita
Na ipinararating mo pala sa kanya

Kasunod ito ng nauna kong tula
Inupdate ko na tutal updated na din naman ako sa kanila
Ang mga magkahawak nilang mga kamay lumalandas sa aking mga mata
Napakasakit naman talaga, putangina

Kasi minsan akala natin sa atin na
Minsan akala natin importante na tayo para sa kanya
Minsan din ang bobo natin kasi naniwala tayo sa mga minsang pagpapahiwatig niya
Di natin alam na madalas wala naman talaga

Sa bawat mali may nakikita kang tama
Sa bawat maling ginagawa nagugulantang na
Hindi, ayoko na, ganito pala siya
Pero bakit pinipili pa din kita?

Isang hakbang, dalawang hakbang, tatlong hakbang palayo
Isang atras, apat na atras, mas lumapit pa lalo sayo
Ngunit sa bawat atras ramdam ko ang presensiya sa tabi mo
Ang siyang tunay na nilalaman ng puso mo

DalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon