Blind Eyes

3 0 0
                                    

Bulag
Taong hindi nakakakita
Sila ba ay sadyang hindi nakakakita ng paligid nila?
O ang mga taong pinipiling isarado ang kanilang mga mata?

Bulag sila
Hindi nila nararamdaman
Bulag nga ba?
O talagang wala silang pakialam?

Kaibigan sa panahon ng kasiyahan
Pikit mata kapag sila'y kailangan
Walang nangangamusta sa kanila
Baka ako'y kinalimutan nang talaga

Sa tinuturing na totoo nawalan ng tiwala
Sa mundo ay nawalan na ng pag-asa
Sagipin niyo ako, ako'y nalulunod
Walang nakarinig sa boses kong pagod

Tama na, tigil na
Nahihirapan na akong huminga
Tuluyang sinakal ang natitirang kasiyahan
Pinatay na at naging kalungkutan

Di nagtagal ako'y naging bulag na rin
Dating makulay na mundo'y, ang bumalot ay itim
Boses sa ilalim ng karagatan, di niyo narinig
Tuluyang nalunod sa sarili kong pag-iisip

DalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon