Namulat ako sa tahimik na mundo
Mundong di inaasahang ikaw ang gugulo
Pumikit ako't lumangoy sa pag-iisip
Na baka ikaw at ako'y hindi lang isang panaginipBumabalik, pagsasama nating dalawa
Umuulit mga akala ko'y mananatiling alaala
Unti-unting natatabunan panahong nagdaan
Tayo'y naligaw, ibang tao ang napuntahanUmikot mga letra ng mga salita
Ang sinabi kong mahal kita
Biglang naging 'may iba na'Araw nagdaan, ikaw sa kaniya ako sa iba
Ngunit mga sulyap sayo'y di nag-iba
Bakit tila kay hirap sumaya
Kapag hindi ikaw ang kasamaNakita ng dalawang nga mata
Na ikaw ay masaya
Naririnig na hindi nga ako talaga
Ngunit bakit
Naramdaman ng tumitibok na puso
Na ikaw pa rin talaga.