Gitara

17 2 0
                                    

Gitara--
Ang pinakamamahal kong instrumento
Nabahiran ng mga alaala mo
High E string, low e string
Mataas ng Enerhiya na naubos na sayo
Sayo'y mababa na eksistensya lang pala ako

Bawat pitik na ginagawa
Kay gandang musika ang nagbabadya
Ang ritmo nating dalawa
Wari'y kahit kailan di man lang magtugma

Kay galing ko kumalabit ng gitara
Kay sarap ng ngiti ko habang kumakanta
Ngunit ang inspirasyon sa bawat pag-awit ay ikaw pala
Kaya kahit labis ang aking saya habang kapiling ang aking gitara
Ang sakit isiping ang dahilan sa aking pagtugtog
Ay ang dahilan ng aking matinding pagkahulog

DalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon