Malakas na sampal ang umalingawngaw sa silid na kinatatayuan ko gawa ng mga taong pilit-pinipilt na gumagawa lang ako ng sariling kwento. Kagat labi ko silang hinarap dala na rin ng pagpipigil ng emosyon.
Tiim-bagang ko silang tiningnan lahat ngunit napagpasiyahan kong ibalik ang emosyong nakasanayan nila. "Una sa lahat hindi ako gumagawa ng kwento. Sapagkat ano naman ang mapapala ko? Dahil kung pwedeng ganoon na lang, sana iyon na lamang ang hihilingin ko. Kailangan ko po ang unawa at pagmamalasakit niyo sa akin dahil simula noong nagbago ang kapalaran ko ay itinakwil niyo ako. Huwag niyo naman po sana akong husgahan dahil hindi ako ang gumawa ng kasalanan."
Hindi siya tumugon bagkus ngumisi si Lolo sa harapan ko. Rinig na rinig ang bulungan nilang lahat ngunit biglang naglakad si Margareth papunta sa amin.
Hindi ako umimik ngunit naguluhan ako sa sinabi niya. "Lolo, I think she needs rest. We need to bring her sa mental hospital lolo. Tingnan mo Lolo 'o sobra stress na naman siya at hanggang ngayon she's always making stories."
Kunot noo ko siyang tiningnan. Siya siguro ang nahihibang. Napapikit ako ng mariin para pigilan ang namumuo kong inis. Buong tapang ko silang hinarap. "Anong pinagsasabi mo Margarita? Ikaw ata ang nahihibang at hindi ako? Huwag kang umastang may alam sapagkat ang isang tulad mo ay mangmang."
Napatakip ng tenga ang lahat ng hampasin ni Lolo ang lamesa at masamang tumingin sa akin. Kitang kita ang pamumuo ng ugat sa leeg niya at pagkuyom ng kaniyang palad habang nakaturo sa akin. Lihim na lamang akong napabuntong hininga sa katagang sobrang mahal niya ang si Margarita. "Cómo te atreves a llamarla estúpida? (How dare you call her stupid) Vete de aquí ahora (Leave here now) and don't you dare open up that topic again or else hindi ka na makakatapak sa mansyon ko."
Tsk. Sa tinagal tagal ng panahon ng pananatili ko nasanay na ako sa ugali ng Margaritang 'to. Simula ng dumating ako sa buhay nila akala ko ay makakalimutan ko iyong sakit ng nakaraan at mapapalitan iyon ng pagmamahal. Ngunit hindi, mas lalong lumala e. Pati pagkain ko ako ang nagtitiyaga, minsan pa nga ay wala. Nakakapunta na lang ako dito para lang sa kanilang labahan na akala mo binabad sa kanal. Hindi rin ako makatanggi dahil may kabayaran pag hindi ko sila susundin. "Huwag po kayong mag-alala ito na ang huling pagkakataon na ako mismo ang hindi pupunta dito. Ito na rin ang huling pagkakataon na magmamakaawa ako sa inyo."
Kasabay no'n ay tumalikod ako na kahit gusto kong sabihin na, "Sobrang kailangan ko kayo, na kailangan ko lahat ng unawa at intindi niyo na kahit lumipas na ang napakahabang panahon ay nandito parin iyon at nakatanim sa puso't isip ko." Ngunit sino nga ba ako para bigyan nila ng malasakit diba? Para sa kanila isa lamang akong insekto na nakikisawsaw sa buhay nila. Kaya wala na 'ring kwenta ang pagmamakaawa ko. -_-
"JAXYN JYN QUIRELLA! GUMISING KA!" Napatakip ako ng tainga. Jusme! Ayoko pang mabingi. Hindi ko naituloy ang pagmumuni-muni ko sa nangyari no'ng nakaraang gabi dahil biglang sumigaw ang aming tagapangasiwa. Mabilis kong pinunasan ang namuong luha at humarap sa kaniya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang trabaho. Hinding-hindi ako magpapasigaw.
"Ano ba Jaxyn? Ba't ka nakatulala diyan? Gusto mo atang masesante, aber?"
Napabuntong hininga na lamang ako, "Pasensiya na po. Hindi ko po iyon sinasadya at sadyang napagod lang po ako sa pinagawa niyo kagabi." E pano ba naman? Pinabilang ako ng sandamakmak na barya. Sa sobrang dami ay bukang-liwayway na akong nakatulog.
BINABASA MO ANG
My Daring Girl (On Hold)
RomanceSiya si Jaxyn Jyn Quirella, halos nasa kaniya na ang lahat subalit biglang nagbago ang kaniyang kapalaran. Isang masalimuot na buhay ang kaniyang kinalakihan kaya hindi lamang ang kapalaran ang nagbago sa kaniya pati na din ang ugaling nakasanayan n...