Yana Marinduque P.O.V
"Manong bayad po."
Agad akong bumaba ng itinigil ni manong ang traysikel. Tiningnan ko ang dala kong papeles at kung ito ba talaga 'yon. Oh shit! Biglang dumaloy sa katawan ko ang excitement hindi ko akalain na ganito kaganda ang papasukan namin ni Jax.
Shet! Tanaw dito ang napakagandang gusali at ang lawak na espasyo. Sinimulan ko ng maglakad habang nililibot ang mata sa paligid. Yung uniform nila medyo di ko bet di naman sobrang ikli ng palda pero 'yong kulay nga andaling madumihan mas nangingibabaw kase yung puti kesa black.
Napahinto ako dahil sa napakagandang logo na nasa taas ng gate. Nakawin ko kaya to? Siguradong malaking halaga, partida kumikinang pa pero seryoso ang ganda.
"PUNYAWA!" malutong akong napamura ng may malakas na bumusina sa likuran ko. Agad naman akong napaharap. Punyeta! Kunting usog ng sasakyan nato masasagasaan na ako. "MUNTIK NA YUN YAW-"
Animal! Napaatras naman ako ng mapagtanto ang kulay ng sasakyan. Shet peyborit kulur ko huhu! Parang kumikinang ang skyblue sa maya ko. Kulang nalang ata maglaway ako. Nabalik naman ako sa wisyo ng mapagtanto ko na nakatingin sa akin ang lahat.
Wala na tong hiya-hiya! Malaking ngiti na parang bata kong niyakap ang harapan ng sasakyan. Ghad! Sobrang ganda talaga lalo na't nasa harapan ko na ang noon nasa car magazine lang.
"Hey, can you please move and stop making a scene, miss!" bulyaw sa akin ng lalaking nasa loob.
Inirapan ko siya bago kumalas. "Oh eto na, english english ka pa nawong mo pang tambay! (mukha mo pang tambay!)"
Akala ko ipaparada niya ang sasakyan pero bumaba siya. Oh? Napakunot noo naman ako dahil humakbang naman ito papunta sa akin kaya umatras ako.
"Stop that look miss nakakasira ka ng araw, at kung akala mo na hindi ko naiintindihan 'yon nagkakamali ka."
"Oh shet! Bisaya ka pala dong-- aray yawa ka!"
Masama ko siyang tiningnan ng bigla siyang nanulak. Animal ang sakit ng pwet ko piste! Nagkagalos pa ang kamay ko. Ang lakas niya tumulak parang humiwalay ata kaluluwa ko. Titingnan ko siya pero agad akong napapikit ng mariin dahil sasampalin ako ng animal na 'to. Kulang pa ba? Anong ginawa ko sa kaniya?
Hindi ko maigalaw ang kamay ko pansalag dahil mahapdi. Jax tulong pu! Oo na dapat na hinintay kita hmp. Ganto ba talaga sila mag welcome ng newbie? Napamulat naman ako dahil kanina pa na nakapikit at nakaupo ako dito.
"Back off, Adrian!"
Ghad! Sino to? Napakurap naman ako dahil sa pagkamangha sa kagwapuhan ng nilalang na nasa harapan ko. Para siyang isang action star sa built ng katawan niya.
Nakatingin lang ako habang nakangiti sa lalaking napakagwapo. Fafable! Ngayon ko pa narealized na naiikutan kami ng mga estudyante jusko!
"Wag ka na sumali, Max! Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng yan" duro niya sa akin kaya kinagat ko daliri niya. "Fuck!"
Tse buti nga sayo blee!
Tumayo na ako at pinagpag ang dumi sa palda ko. "Oh ano? Sasapakin mo na naman ako? Bayut (bakla) ka ba? Lakas manakit ng babae 'a."
BINABASA MO ANG
My Daring Girl (On Hold)
RomanceSiya si Jaxyn Jyn Quirella, halos nasa kaniya na ang lahat subalit biglang nagbago ang kaniyang kapalaran. Isang masalimuot na buhay ang kaniyang kinalakihan kaya hindi lamang ang kapalaran ang nagbago sa kaniya pati na din ang ugaling nakasanayan n...