❣PROLOGO❣

115 11 0
                                    

Gabi noon maulan, madilim ang paligid ngunit manaka-naka ang pagguhit ng kidlat sa kalangitan. Kanina pa ako tumatakbo at pakiramdam ko anumang oras bibigay na ang mga paa kong walang saplot. Hinahabol ko ang hininga ko habang palinga-linga sa paligid. Gusto kong tumakas sa mistulang bangungot ngunit hindi ko kabisado ang kagubatan na ito. Pinunasan ko na lamang ang namuong luha sa mata ko.

"Ugh, ar-" Hindi ko maiwasang mapasigaw ngunit tinakpan ko kaagad ang bibig ko at tahimik na napadaing. Pigil-hininga akong napaupo sa sakit dahil sa kahoy na nakabaon sa paa ko. Hindi ko napansin ang kahoy sa dinaanan ko. Taranta kong pinunit ang natitirang damit ko pang-itaas. Mariin kong kinagat ang ibabang labi para maiwasang sumigaw ng bunutin ko ang kahoy. Halos mawala ako sa ulirat sa sobrang sakit. Walang ingay akong napahagulhol habang tinatali ang kapirasong damit. "Ba't kasi iniwan mo ko mag-isa, N-nana? Hindi ko na alam gagawin ko, natatakot ako."

"Jyn, h'wag ka ng magtangkang tumakas. Naririnig kita." Napatakip ako ng tenga sa nakakakilabot na boses, mayamaya pa ay humalakhak ang isang lalake. Halakhak na kabisadong kabisado ko dahil parte na iyon ng buhay ko. Mangiyak-ngiyak akong tumatakbo. Sinasampal ko pa ang sarili ko para pigilan ang panghihina.

Bigla akong kinabahan dahil hindi ko na narinig ang kaniyang tawa. Halos gapangin ko na mapunta lang sa malaking puno para makapagtago. Kinalma ko ang sarili ko at tinakpan ang bibig at hindi nagkakamaling gumawa ng ingay. Hindi ko magawang lumingon kaya pinakiramdaman ko ang paligid at napansin na wala na ang presensiya niya. Tatayo na sana ako ngunit agad ding napahinto.

"San ka pupunta?" Nanlaki ang matang napatingin ako sa kaniya na may nakakatakot na ngiti sa labi. Ang dating tuyo kong mga pisngi ay muling nabahidan ng isang butil ng luha ngunit puno ng sakit. Pagod na akong magmakaawa at umiyak. Pagod na ako.

"Hindi mo ko matatakasan, Jyn." Hindi na ako nakailag ng hampasin niya ako sa ulo. Nanghihina na ako. Ramdam ko ang pamumuo ng dugo at pag-agos patungo sa noo ko. Kahit pa lumuha ako ay walang magbabago kaya isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi. Sana bangungot na lamang ito.

~~~~~

Hinusgahan ako ng mga taong sobrang kailangan ko.

Niloko at sinamantala ako ng mga taong minahal ko.

Kaya huwag mo akong husgahan sapagkat hindi mo alam ang kalahati ng aking nakaraan. Mayroong dahilan na ginawa ko ang mga ginagawa ko. May dahilan 'din ako kung sino ako ngayon.


[NO TO PLAGIARISM]

❣READ AT YOUR OWN RISK❣

❣Warning! Magulo ang plot!❣

Hindi ito purong kaartehan

TYPOS [ ✔ ]
GRAMMARS [ ✔ ]
ERRORS [ ✔ ]
COMPLETED [ X ]
DONE EDITING [ X ]

My Daring Girl (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon