Sinipa ko ang mga karton na nasa paanan ko kaya gulat silang napatingin sa akin. Hindi nila inaasahan na andoon ako. Tch. Pinagpag ang dumi sa mahaba kong palda at walang ibang tiningnan kun'di ang babaeng hawak ang patalim habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa direksiyon niya. Ilang hakbang na lang at masasabunutan ko na ang babaeng to. Biro lang! Sinigurado kong hindi siya makakawala.
Nginitian ko siya, "Tapos ka na bang gumawa ng eksena, binibini? Kase mukhang nangangati na ang kamay kong gumawa din ng eksena e. Ginanahan kase ako bigla."
Hindi ako nakatanggap ng tugon sa kaniya kaya napataas ang gilid ng labi ko. Tahimik ang lahat kaya ramdam ang pamumuo ng tensyon sa pagitan naming dalawa.
"Who are you? Wag kang lumapit kun'di gigilitan ko ang leeg nito. Try it and in just one snap this girl will be dead." Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin at nanggalaiti sa galit.
"Naguguluhan lamang ako subalit sa pagkakaalam ko ay hindi ganyan magtanong ang isang baliw? O baka naman, kasinungalingan lang iyang pinapakita mo para kaawaan ka. Tama ba ako, binibini?" malumanay kong saad sa kaniya.
Bigla na lamang siyang sumigaw ng pagkalakas lakas kaya napabaling sa ibang direksyon ang mukha ko. "Don't you dare go near on me or else I'll kill this bitch." seryoso niya itong sinasabi ngunit nakangiti. Iyong boses niyang may paninigurado kaya talagang binibigyan kong pansin ang mga salitang lumalabas sa aking bibig baka kasi may masabi ako na magtulak sa kaniya na wakasan ang buhay ng hawak niya.
"Please help me," senyas sa akin ng kapatid niya.
Napansin kong hinawakan niya ng mahigpit ang patalim at iguguhit niya na sana iyon pero inunahan ko siya. Itinaas ko ng konti ang palda ko at gumawa ng bilugang pagpatid at tumilapon ang kutsilyo sa kung saan kaya 'nong nagulat siya sa ginawa ko nilagay ko siya sa posisyon ng kapatid niya kanina. Halos gapangin niya malayo lang sa bruhang 'to. Taranta namang tinulungan ng mga guro si Zephanie.
Binaling ko sa kanila ang paningin ko habang abala sila sa pagpapatahan at pagpapakalma. Pati ang presidente ay hindi alam ang gagawin.
"Hindi ko inaasahan na gagawa ka ng katangahan sa harap ng publiko, binibini?" pilyo kong sabi habang nilalaro ang leeg niya gamit ang kuko ko.
"Do you think na sa ginagawa mo ngayon ay may posibilidad na itigil ko to?" bulong niya sa akin. Ngisi lamang ang sinagot ko sa kaniya. "I can pay and manipulate law, bitch. So no one will stop me doing this and anyway sino ka ba para mangealam, huh?"
"Hindi man ako kasing yaman mo, para manipulahin ka gamit ang salapi ko para tigilin 'yang makina ng utak mo. Pero kaya kitang manipulahin gamit ang salita ko, binibini. Huwag mong ipagpalit ang dangal mo dahil lang sa pera. Mawawala yan at maibabalik pa pero iyong kapatid mo hindi na." seryoso kong sambit.
Marahas ko siyang binitawan. Nahagip pa ng mata ko ang pamumula niya sa galit at paghampas niya sa dibdib. Naglalakad at nagtipa ulit ng numero ng kulungan ng mga loko. Tsk. Para ganap na baliw ka na.
Lumapit ako kay unggoy at binigay sa kaniya ang isang litrato. "What's this?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
"Litrato."
"I mean, why are you giving this to me?" seryoso niyang tanong.
"Tingnan mo nalang kase." Tinitigan naman niya ito. "Pwede iyang maging ebidensiya, Vergalli. Pwera nalang kung pati kayo maninipulahin din ang batas."
Ilang sandali dinig ko na ang papalapit na ambulansiya at saka pulis.
"Wait, bakit dalawa ang ambulansiya? Sure ka bang isa lang ni-request mo?
"Yes, I'm sure."
"Gosh, mental ambulance 'yong isa!"
Napangisi nalang ako habang bumababa sa hagdanan. Napagpasiyahan kong pumasok nalang sa susunod na asignatura.
~~~
Sandali akong lumabas para umihi at pagbalik ko tapos na ang klase. Kakalabas na din ng guro. Huling asignatura na din 'toNapahinto ako sandali dahil pansin ko na ang tahimik nilang lahat at wala ni isang gumagalaw ngunit nakatingin silang lahat sa akin.
Pumasok na ako at hindi pinansin ang nakakailang na tingin nila. Halos lahat ng galaw ko sinusundan nila.
Napatayo ako bigla ng may naupuan ako at nakadinig ng pagkabasag. Meirda, ang sakit. May dalawang basag na itlog. Napakagat labi ako para pigilan ang namumuong inis sa katawan ko. Dinig na dinig ng dalawa kong tenga ang pagpipigil ng tawa. Anong nagawa ko sa kanila para pagkatuwaan nila ako ng gan'to? Napatingin ako sa kanila at nagpipigil sila ng tawa. Tinignan ko ang likod ng saya ko. Grr! Nakakainis!
"Haha! Ang clumsy."
"Hindi man lang siya tumingin sa inuupuan niya.!"
"Buti sa kaniya."
"Anong akala niya sa atin? Susunod sa gusto niya. She's wrong."
"Pabida kasi!"
"Sinong may gawa nito?" malamig kong tugon. Wala ni isa ang nakinig at pinansin ako kasi abala sila sa walang humpay na tawanan.
Napakunot noo naman ako ng naglabasan sila ng kapirasong papel. Hindi pa ako nakakabawi ay binato naman nila ako ng basang papel na galing sa mga bibig nila. Mga walang'ya! Todo ilag 'din ako. Pero wala akong nagawa. Nagpatuloy parin sila.
Inano ko ba kayo? Huh?
Matalim ko silang tiningnan. Napansin ko ang isang babae na hindi nakisali ngunit may kinukuha siya sa bag niya. Tinitigan ko siya ng maigi at hindi pinansin ang mga binato nila sa akin. Inangat ng kamay niya ang isang bola at bumwelo para batuhin ako. Kaya mabilis ko iyong sinalag. Napaawang ang bibig niya habang gulat na napatingin sa akin. Kaya ngunitian ko lamamg siya at binalik ang atensiyon sa mga walang'ya
"Sagarin niyo pa--" Nahinto ako dahil sa likido na dumampi sa balat ko. Mierda, ang init. Hindi ko magawang gumalaw. Ngunit nanatili akong nakapikit. Tumahimik ang lahat kaya pinunasan ko ang mga tumalsik sa mukha ko. Nakita ko si Vergalli na nakangiti ng nakakaloko. Napagtanto kong kape na tsokolate ang binuhos niya sa akin. Ba't parang pinaparusahan ako sa unang araw ko dito?
"You're totally mess," sabi niya.
Sarap punitin ng bibig mo. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Iyong tipong isa lang siyang bagay na walang kwenta. Sinusubukan ako ng unggoy na 'to.
"Oo Vergalli, ganiyan ako kadumi para hindi kita respetuhin."
Pansin ko sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya siguro inaasahan na sasabayan ko ang pinagsasabi niya na madumi 'daw ako. Hindi ako nagdadalawang isip na tadyakan siya. Kahit Presidente ka pa dito, hindi kita titingalain.
"Nagkakamali ka ng dinumihan, Ginoo," malamig kong tugon at iniwan siyang gulat. Eso es lo que amo ver (That's what I love to see,) yong gulat kayo.
BINABASA MO ANG
My Daring Girl (On Hold)
RomanceSiya si Jaxyn Jyn Quirella, halos nasa kaniya na ang lahat subalit biglang nagbago ang kaniyang kapalaran. Isang masalimuot na buhay ang kaniyang kinalakihan kaya hindi lamang ang kapalaran ang nagbago sa kaniya pati na din ang ugaling nakasanayan n...