Crischelle's POV
"Oh, kumusta na 'yong pakiramdam mo?" tanong ko sa kapatid ko.
"I'm fine, ate. Don't worry," despite his weakness, he still tried to smile. Months had already passed at patuloy siyang nag-a-undergo ng chemotherapy. Side effects are slowly showing. Kaninang umaga nga lang, nagsusuka siya't walang ganang kumain. Kahit na ganoon ang nararamdaman niya, ginagawa niya pa rin ang lahat para ipakitang okay siya.
"Hay nako, bro. Kung pwede ko lang kunin 'yang sakit mo at ilipat sa 'kin, gagawin ko talaga."
"You know what, ate? Your sweetness is very disgusting," nakasimangot niyang sabi.
"Aray ah."
"By the way, how's school? I miss learning."
Napaikot naman agad 'yong dalawa kong eyeballs. Ang dami na niya ngang alam eh.
"I saw that, ate. Don't me," sabi niya. Natawa naman ako sa huli niyang sinabi. Sinamaan niya ako ng tingin. "Why are you laughing?"
"HAHAHAHHA wala teka HAHHAAH ang cute ng sinabi mo sa huli HAHAHAHHA."
"Whyyy?" nakasimangot niyang tanong.
"Wala," sabi ko habang pinipigilan ang tawa ko. "Si Florence na naman ba ang nagturo sa 'yo niyan?"
Tumango siya habang nakasimangot pa rin. Para siyang tuta na pinapagalitan, ang cute. Ilang segundong namayani ang katahimikan ngunit maya-maya ay binasag niya rin ito.
"Ate..." pagtawag niya sa 'kin.
"Hmm?" sabi ko habang ngumunguya na ng pagkain. Tiningnan niya muna ang kinakain ko bago nagsalita.
"I want to try some extreme rides. Can I?"
Nabulunan ako sa narinig ko. "Ano?! Jusko ikain mo nalang 'yan, Cayden."
Napanguso lang siya sa sinabi ko.
"Nga pala, pupunta ako sa Samar ngayong weekends par-"
"Can I come?"
"Kailangan mong manatili sa ospital, pa'no ka makakasama, hmm?"
"Ate..." aniya nang nakanguso.
"Mabilis lang ako do'n kasi may pasok, 'wag kang mag-alala. Papapuntahin ko rin dito sina Florence at Kyrel para aliwin ka."
Napabuntong-hininga lang siya.
"Can't you just wait for my recovery... so I can come with you?"
Ngumiti ako ng malungkot at marahang umiling. "I'm sorry, Cayden. Kailangan ko kasing puntahan agad sina Tito D. Kung pwede lang sana kitang hintaying gumaling, gagawin ko talaga."
"I understand."
"Don't worry, dadalhan kita ng pasalubong. Anong gusto mo?"
"Fresh buko juice and some corns."
"'Yon lang ba?"
Tumango siya. "All I want is your time, Ate. Y-You're just... too busy on your studi-"
Bago niya matapos ang kadramahan niya ay pinutol ko na siya. "Aba, ikaw nga 'tong masyadong babad sa mga libro at masyadong tutok sa pag-aaral. Nako, 'wag ako, Cayden."
"Fine, fine. I give up," humahalakhak niyang suko. Pero maya maya ay bigla siyang sumeryoso. "When are you going there, Vinn?"
'Aba! Vini-Vinn lang ako. Wow ah!'
"Maybe this coming Friday. In the evening. Pagkagaling kong school, magbibihis at mag-aayos lang ako saglit pagkatapos ay babyahe na."
"I'll miss your loud voice."
BINABASA MO ANG
Escaping destiny
General FictionSabayan nating mangarap at takasan ang nakatadhanang mangyari sa ating mga bida. Sabi nga ni Crischelle, "Hope and dream are just like clouds that we see everyday in the sky. They seem to be unreachable but truth is, you can actually reach them if y...