Crischelle's POV
"Alam mo, nakakainis talaga 'yong babaeng 'yon!"
"Kanina niya pa 'ko inaaway, 'di ko naman siya inaano. Minamali niya pa 'yong mga sagot ko eh tama naman. Tsk!"
"Huwag mo nang patulan 'yon. Si Lord na bahala do'n. Basta nakita ni Lord kung ano ginawa niya."
Kakalabas lang namin sa room at lunch na. Kanina pa nagrereklamo 'tong si Florence sa babaeng nagcheck ng papel n'ya kanina.
"Sabagay. Pero nako pigilan mo 'ko baka masabunutan ko 'yon 'pag nagkasalubong kami! Grado ko 'yon eh!"
Dinaanan muna namin si Kyrel sa room niya bago pumunta sa canteen. Nasa left side ng roon namin ang room nila Kyrel. Pagkatapos ng dalawang room, sa kanila na 'yon.
"Alam mo, Kyrel? May nakakainis na babae kanina na masarap kalbuhin!" pagshi-share naman ni Flor kay Kyrel. Kumunot ang noo ni Kyrel at tiningnan ako ng 'anyare-sa-babaeng-to-look'. Umiling ako at tinuro lang si Florence na ang ibig sabihin ay hayaan siyang magsalita.
"Eh kasi kanina may dimunyung babaeng nagcheck sa papel ko tapos imbes na tama, ni-wrong nya! Hindi lang 'yan ah, palagi niya pang sinusulatan papel o notebook ko kapag nagsusulat tayo. Parang immature na elem student," pagku-kwento niya habang bumababa kami sa hagdan. Nasa fourth floor kasi ang room namin tapos nasa baba 'yong canteen pero madalas sa ramp kami ng second floor dumadaan.
"Tas pinagkakalat niya pa na aswang daw kami eh gaga pala siya! Painumin ko siya ng holy water d'yan eh. Para naman malinisan bibig at dila niya. Tsaka kulang siya sa carrots kasi malabo mata niya! Sa ganda ng lahi namin? Sus!"
Sabagay maganda rin naman si Florence. She looks stunningly gorgeous—charot may bayad 'to HAHAHAHAHA—with dark brown curly hair, white and flawless skin, beautifully sculpted eyebrows, luscious red lips, a sharp nose and round jaw. Tas 'yong kilay niya talaga ang nagdadala HAHAHAHAHHA ang ganda kasi ng pagkakahulma tapos sakto lang ang kapal, iyong tipong babagay sa kanya.
"Oy, si Gray!" sabi ko sabay nguso sa taong nasa unahan namin. Nakaside view siya sa 'min at may pinoporma sa hangin gamit ang kamay habang nagsasalita sa mga ka-tropa niya. Napatingin naman ang dalawa sa nginuso ko. And yes, dito rin siya nag-aaral sa school namin. At kapag siya ang pinag-uusapan, lumalabas ang side ng pagkabaliw ni Kyrel.
Nanlaki ang mata ni Kyrel nang makita si Gray na tumawa at napasinghap. Ayan na, ayan na! Humarap siya sa 'kin at niyugyog ako. "Omygod! Ang ganda ng ngiti niya! Pati siguro ang tawa niya. Dali bilisan n'yo para marinig natin!" at hinila niya kami. Nang medyo malapit na kami ay tumigil siya at narinig namin ang pagtatawanan nila.
"Omyghad, omyghad! Ang husky ng tawa niya, ugh nakakainlab!" sabi niya at tinago ang mukha sa likod ko. Akala ko kung anong gagawin niya, tumili lang pala ng paimpit. At ayun bugbog sarado na naman ako kasi pinaghahampas niya likod ko.
"Aray ah!" reklamo ko nang halos malaglag na 'yong baga ko sa lakas ng hampas niya.
"Shh! Baka mapalingon sila, gaga!" sabi niya at mas tinago ang sarili sa likod ko.
"Mas mabuti nga 'yon 'di ba, Evi?" sabi ni Florence at kinindatan ako. Ayan na naman 'yang nickname na 'yan. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tara na nga. Gutom na ako," sabi ko at naglakad ng mabilis. Pinantayan naman ni Florence ang bilis ng lakad ko kaya naiwan si Kyrel do'n.
"Hoy teka, hintayin n'yo 'ko!" sigaw niya at kumaripas ng takbo palapit sa 'min. Nakalampas na kami sa grupo nila Gray at nasa second floor na kami kaya mas lalong nataranta si Kyrel. Medyo umiwas pa siya sa grupo nila Gray nang madaanan niya sila. At nang maabutan kami ay nakatanggap kami ng tig-iisang hampas sa likod.
BINABASA MO ANG
Escaping destiny
General FictionSabayan nating mangarap at takasan ang nakatadhanang mangyari sa ating mga bida. Sabi nga ni Crischelle, "Hope and dream are just like clouds that we see everyday in the sky. They seem to be unreachable but truth is, you can actually reach them if y...