Crischelle's POV
Time drifted very fast akin to a light's speed.
Nothing special happened. Siguro mga events lang.
Nag-iimpake ako ngayon para sa pagpunta ko sa Samar. Ngayon ko bibisitahin ang mga lupa na ipinamana sa 'kin. Sasamahan ako ni Kuya Kiro dahil nagleave siya sa trabaho.
Actually, hindi ko ineexpect na may mamamana ako kasi nga kahit alam kong mayaman ang side ng mama at papa ko ay hindi pa rin nila ipapamana sa 'kin 'yon dahil galit silang lahat sa akin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko. Hindi ko alam kung ba't sila galit sa 'kin. Wala naman akong nagawang kasalanan sa pagkakaalam ko.
Ang unang pinuntahan namin ni Kuya ay ang Watawat. Malapit lang ito sa Burak kaya makakabalik lang kami anytime roon. Sa Burak na rin siguro kami mags-stay.
Pagkarating namin ay namangha ako sa sobrang ganda ng tanawin. The land is full of green foliage. The rectangular land was surrounded by bushes, flowers and trees as if it was really designed for the future house that will be soon build on the center. Sa unahan, may mga coconut trees na pwedeng pagkakitaan dito since itong lupa lang na 'to ang may mga tanim.
Napangiti ako nang may naisip na plano sa lugar na ito.
"What do you think?"
Napalingon ako kay Kuya Kiro na nakangiti na ngayon. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"I mean, you're smiling like you have something on your mind so... I'm asking you what can you say about this... land?"
"Hmm. May pumasok lang na plano sa isip ko," sagot ko sabay pasada ng tingin sa buong lugar.
"What is it?"
"Plano ko sanang magtanim ng mga crops para may pagkakitaan ang magmamay-ari n'yan. Para na rin may supply ng pagkain ang mga tao rito."
"Hmm. Pwede rin. But you should raise the cost of the land."
"Of course."
The next destination was Bugay. The place is just like Watawat but it's more on coconut trees. I suggested to use some parts of the land for supplying coconuts and the other part for an apartment. Kuya agreed and started to process some documents.
The day went smoothly. Nang malapit nang gumabi ay napagdesisyunan naming umuwi na muna sa Burak at doon magstay.
Kinabukasan ay inupdate lang namin si Tito D sa plano namin at nagprocess na rin ng mga contracts. Tinawagan na rin ni Kuya Kiro ang ibang mga employee ng Engineering at Finance Department ng kompanya nila at sinabihan tungkol sa plano namin. Tutulungan ako ni Kuya sa mga basic na gagawin para sa hotel na ico-construct.
Natapos ang sembreak ko na 'yon lang ang inaasikaso. I spent the remaining days in the hospital with my brother. Classes resumed and I'm back to my usual routine. Wala masyadong nangyari noong mga nakaraang buwan kaya noong mag-December ay nagulat na lamang kami nang makatanggap ng tawag mula sa isang buyer. May bibili na ng lupa!
December 7 nang pumunta si Kuya Kiro sa bahay namin.
"Ayaw mo ba talagang mag condo?"
'Yan agad ang bungad niya sa 'kin habang nililibot ang paningin sa buong bahay namin. Actually simply lang 'yong bahay namin at noong huling punta ni Kuya rito ay hindi pa narenovate kaya ganyan siya kung makatingin.
"Sayang sa pera, Kuya."
Bago mamatay sina Mama at Papa ay may binilin silang pera pampaaral sa 'min ni Cayden. Kahit medyo malaki 'yon ay ayoko pa ring gamitin 'yon para tumira sa condo.
BINABASA MO ANG
Escaping destiny
Ficción GeneralSabayan nating mangarap at takasan ang nakatadhanang mangyari sa ating mga bida. Sabi nga ni Crischelle, "Hope and dream are just like clouds that we see everyday in the sky. They seem to be unreachable but truth is, you can actually reach them if y...