Nagising ako sa amoy ng pagkain malapit sa ulunan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Unang bumungad sa 'kin ang mukha nina Kyrel at Florence na hindi ko alam kung kanina pa ba nakatitig sa mukha ko o ngayon lang.
"Gising na siya?" boses ng lalaki sa kung saan.
"Uh... yes," napansin ko ang awkwardness sa boses ni Florence. Si Kyrel naman ay tumalikod at napasapo sa kaniyang noo.
I turned my gaze to the figure who suddenly stood up. I'm too weak to even show how shock I am. Kahit nanghihina ay sinubukan ko pa ring umupo. Lumapit si Kuya Kiro kaya tumabi ang dalawa.
"Bakit ka nandi--"
"Shh, later. Kainin mo muna 'to," pagpuputol niya sa sasabihin ko. Inabot niya ang isang bowl sa bedside table at tinapat ito sa harapan ko. Akala ko ako ang magsusubo nito sa sarili ko pero inunahan niya na ako. Kumuha na siya ng isang kutsara ng sopas at hinipan ito pagkatapos ay itinapat sa bibig ko. Nang sinubo ko na ito ay narinig ko ang pag-ubo nina Florence at Kyrel.
"Magpinsan lang ba talaga kayo?" umuubo-ubong tanong ni Florence.
"No," hindi pa natatapos sa pagsasalita si Kuya Kiro ay nagkatinginan na ang dalawa. Bago pa makapagreact si Florence ay nagsalita na si Kuya. "For me, she's my princess and my little sister."
"Talaga ba? Ba't ang sweet sweet n'yo?" naniningkit ang mga matang tanong ni Florence. Pinipigilan ko ang sarili kong matawa.
"Of course. Can't a brother be sweet to his sister?"
Natahimik naman si Florence habang si Kyrel ay napapailing lang ng nakangiti. Pagkatapos ng ilang sandali ay napagdesisyunan ni Kuya na lumabas para mabigyan ng pagkakataon sina Kyrel at Florence na kausapin ako. Nang makalabas si Kuya ay binaha agad nila ako ng mga tanong.
"Anong nangyari?"
"Ba't nakatapis ka lang pagkapasok namin?"
"Nag-ano ba kayo ni Papi Kiro?"
Nawala 'yong panghihina ko sa huling tanong. "What?"
"Ilang rounds?" binatukan naman siya ni Kyrel. "Aray! Bakit?"
"Bitch, magpinsan lang sila, okay?"
"Eh malay ko, baka katulad pala sila nina Elijah at Klare."
"What the hell are you talking about?" naguguluhang tanong ni Kyrel.
Pinigilan ko sila at kinuwento na ang buong nangyari sa akin. Alam ko namang mapagkakatiwalaan sila tsaka kung may mga memories man na biglang susulpot ay sila dapat ang sinasabihan ko dahil silang dalawa ang nakasama ko before ako nagka-amnesia kaya matutulungan nila ako. Nagulat sila nang malaman nila ang nangyari sa akin. Natulala sila pagkatapos kong ilahad iyon kaya nagsalita na ako.
"Kayo, pa'no kayo napunta rito? Tinawagan kayo ni Kuya Kiro?"
"Pumunta kami kasi hindi mo sinasagot 'yong mga tawag namin. Nag-alala kami sa 'yo," sagot ni Kyrel.
"Sana 'di nalang ako tumawag. Hindi sana mangyayari 'yon," buntong-hininga ni Florence.
"Tsk. So sisisihin mo sarili mo?" nakangiwing sabi ko.
"Eh kasi naman. 'Di ka sana lalabas at 'di mo mapapansin ang hairpin."
"Nangyari na eh. Isipin mo na lang ang bright side. Na naabutan niyo 'ko at agad naasikaso."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay umuwi rin sila dahil hindi sila pwedeng magtagal. Hindi ko tuloy nabisita si Cayden dahil hapon na no'ng magising ako tapos nag-usap-usap pa kami.
BINABASA MO ANG
Escaping destiny
Fiksi UmumSabayan nating mangarap at takasan ang nakatadhanang mangyari sa ating mga bida. Sabi nga ni Crischelle, "Hope and dream are just like clouds that we see everyday in the sky. They seem to be unreachable but truth is, you can actually reach them if y...