JUSTIN 01: 𝓓𝓪𝓻𝓮

1.3K 29 9
                                    


You as Venice Santiago

#SB19_Justin story.

𝓓𝓪𝓻𝓮/Dare

"Uy Venice may dare ako sayo." Sabi ng bestfriend ko habang kumakain kami sa canteen. Lunch time na kasi kaya nandito kami.

"Nako tigilan mo ko Margarita sa mga trip mo." Sabi ko sa bestfriend ko na nangangalang Margarette.

"Dali naaa, promise matutuwa ka sa dare ko na to. A to the S to the IN, AS IN!"

"Ano bang klaseng dare yan?" Walang ganang tanong ko.

"Diba crush mo yun si Justin? Tanungin mo sya kung may forever ba. 5 days mo yun gagawin, and dapat ulit-ulitin mong itatanong sakanya yun!" 

"Yun lang pala e—ANO?" WHAT? SYET MATITIGAN NGA LANG SYA NAHIHIYA NA KO E, TANUNGIN KO PA KAYA NG GANON?

"Mag start ka bukas ha?"

PANO NA TOOOO?

Day 01;

Di ko alam kung anong klaseng gayuma ang ginamit sakin ni Margarita kaya napakagat ako sa dare nyang to. Huhu, baka pag inapproach ko sya sugurin ako bigla nung mga ibang babaeng nagkakagusto sakanya. Hmpf!

Di ko alam kung papasok ba ko sa room o hindi, kung itutuloy ko pa ba tong dare sakin o hindi. Sya palang yung tao sa loob ng room. Well, maaga kasi pumapasok yang si bebeko—este si Justin.

"Okay Venice, inhale exhale relax. Kaya mo yaannn! Pasok na." Sabi ko sa sarili ko.

Dahan dahan akong pumasok sa room, at napatingin sya sa gawi ko. Uwemjii, nakatitigan ko syaaa kahit 3secs lang! Oo yes po, nabilang ko talaga yon!

Naglakad ako papunta sa upuan nya, "G-Good morning Justin." Bati ko.

Tiningnan nya uli ako. "Morning."
Kala ko di nya ko babatiin e.

"Uhm Justin, may tatanong ako." Nakatingin lang sya sakin at di umimik. I'll take that as a YES.

"M-may forever ba?"

Ayan naaa, nasabi ko naaaa! Waahh! Mama help!

"Search mo sa google kung meron." Sagot nya.

AaaAaaahhh yawkonaaa.

Bwisit bat ganon sya? T—T

•-•-•-•-•

Day 02

Nakasimangot akong nagbabasa ngayon dito sa library, pano ba naman kase kinukulit ako nitong si Margarita na tanungin ko na uli si Justin dahil baka daw this time di na ko pilosopohin. Kinwento ko sakanya yung nangyari sa dare nya sakin kay Justin. Tawang tawa tong hito na to, ang bait na bestfriend diba?

"Eh di ko pa nga sya nakikita ano baaaa!" Sabi ko at sinubsub ang mukha ko sa lamesa.

"Edi lumabas ka na rito ng makita mo na asawa mo diba?" Sagot naman nito.

At dahil sa masunirin akong kaibigan, lumabas na ko. Narinig ko pang sumigaw si Margarita ng "Good luck sa lovelife Venice!" Kaya ayun napagalitan sya ng librarian sa loob, buti nga HAHAHA.

Pagpasok ko ng room, ang gulo ng mga kaklase ko. Panong di gugulo e late na yung teacher namin ng 30 minutes. At yung asawa ko—este si Justin? Ayun, tahimik sa upuan nya at nagbabasa lang ng libro. Hays, Why so gwapo my hubby?

Nilapitan ko sya at nginitian, syempre dapat naka smile tayo pag inapproach natin si krass wahahaha. Pero langya bat ba kinakabahan ako ng todo pag nilalapitan ko tong lalaking to?

SB19 story CompilationsWhere stories live. Discover now