Stell: ALAB you!

381 16 4
                                    



Stell's POV

"Sleep ka lang dyan anak ha? Maglilinis lang si daddy ng bahay, tas huhugas tayong pinggan, tas titiklop natin mga sampayan sa labas. Tayo muna gagawa nun sa ngayon kasi may 2 months break kami nila ninong mo at si mommy mo nasa work pa." sabi ko sa pitong buwan kong anak at pinanggigilan ko muna ang pisngi ng gwapo kong anak at hinalikan at pisngi nya. "I love you."

Dahan dahan akong bumangon sa kama at nagumpisa ng maglinis ng bahay.

Binigyan kami ni Tatang ng 2 months break dahil kelangan namin ng pahinga dahil pagtapos nito ay may ire-release kaming bagong album. At tamang tama lang dahil para na rin magkaron ako ng oras para sa mag ina ko. Pati na rin yung apat, may sari-sarili na kaming pamilya pero patuloy parin kami sa aming trabaho.

Ang asawa ni Ken ngayon ay tatlong buwan ng buntis sa pangalawa nilang anak. Ang lakas talaga hahahaha. Si Sejun naman, ayun may anak na napaka cute na kambal na lalaki. Si Josh naman, kapapanganak lang ng asawa nya sa ikalawang anak nila, at si Jah? 1 month ng buntis ang asawa nyang si Nicole.

Kahit pamilyado na kaming lima, di parin naman kami nagbabago. Pag magkakasama kami akala mo mga binata parin kami sa kakulitan namin on stage and off stage.

Yung asawa ko? Napaka swerte ko sakanya. A'Tin din sya noon hanggang ngayon. Fan lang namin sya noon, at di ko inaasahan na sakanya ako mahuhulog ng sobra sobra. Napaka maalaga ng asawa ko. Kilala sya ng ibang A'Tin, at napamahal na rin sakanila ang asawa at anak kong si Gabriel.

"Waahhh!"

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at nilapitan si Gabriel.

"Bakit umiiyak yang gwapong yan?"

Nagmumukhang siopao anak ko pag umiiyak. Hahaha.

Pinagtimpla ko sya ng gatas pero ayaw nya, chineck ko ang diaper nya at nakita ko rin ang salarin kung bat umiyak ang anak ko.

Kumuha ako ng diaper, wet wipes, towel, at pulbo. Habang nililinisan ko anak ko ay bigla nalang syang natawa, kaya naman tiningnan ko sya at nilaro.

"Tinatawanan mo ba si daddy mo anak?" Tanong ko sakanya at tinawanan lang nya ko uli. Aba?!?

Nilaro ko muna ang anak ko hanggang sa may yumakap sa kin sa mula sa likod. Ang asawa ko!

Hinalikan nya ko sa pisngi at binuhat si Gabriel.

"Kamusta ang baby Gabby namin?"

"Mo—mmy!"

Nagkatinginan kaming dalawa at agad kong kinuha ang phone ko at nag take ng video.

"OMG baby, nagsasalita ka na! Say it again, mommy."

"Mo—mmy! Mo—mmy!"

"How about daddy anak?" Sabi ko at ginaya ang tono ng saita nya. "Da—ddy."

"D-Da—dda! Da—dda!"

Di ko alam pero napaluha nalang ako bigla. Sobrang saya at sarap sa pakiramdam na meron na akong sariling pamilya. Sobra ang pasasalamat ko sa itaas at binigyan nya kong ng katulad ng asawa't anak ko sa buhay ko, sila Justin, Sejun, Josh, at Ken na di lang kaibigan ang turingan kundi parang magkakapatid na kami, si Tatang Robin na nagtulong samin at nag protekta sa lahat ng bagay. At lalong lalo na ang mga A'Tin na todo suporta pa rin samin hanggang ngayon.

Niyakap ko ang mag ina ko at hinalikan sa noo.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa."

Natawa sya at hinalikan ako sa labi, "Mas mahal na mahal ka namin, diba Gabby?"

"Da—dda! Da—dda!"

~~~

di ko alam pero habang sinusulat ko to nasasaktan ako. HAHAHAHA. syeteng malupet, ansaket! 😥

SB19 story CompilationsWhere stories live. Discover now