SEJUN 01: 𝓑𝓮 𝓶𝔂 𝓰𝓲𝓻𝓵 pt.1

650 20 6
                                    

You as Margarette Delos Santos

#SB19_Sejun

𝓑𝓮 𝓶𝔂 𝓰𝓲𝓻𝓵 part 1
Be my girl

"Itong report na papagawa ko sa inyo ay by group into two. Bubunot ako ng magiging ka grupo nyo. At kayo naman ang bubunot ng irereport nyo."

At nagumpisa na ngang bumunot ng pangalan ang teacher naming beki sa harapan. Kakatapos lang ng report nung isang araw tas report na naman? Walang sawang report ang magaganap sa subject na to.

At dahil rin sa tabi ng bintana ako nakaupo, dumungaw nalang muna ko kesa sa marinig yung mga kaklase kong naguusap na sana si Sejun daw ang kanilang makapartner. Ano bang meron sa hotdog na yan at gustong gusto nila makapartner? Psh. Pinanood ko yung mga naglalaro ng soccer sa ground, alangan naman sa hallway sila mag soccer diba?

"Ms. Santiago & Mr. Nase, kayo ang magka partner sa pagreport."

WHAT? Are you even paking duckling serious about that? Si Sejun Nase na mahilig sa hotdog na hilig sirain araw ko ang makakapartner ko? Juskooooo.

Napatakip ako ng mukha sa inis. Sa dami ng kaklase kong lalaki at babae, sya pa talaga yung nabunot para maging partner ko. Nananadya ba talaga sila o nangaasar? Wait parang same lang yun ah, pero bat ba kase kame pa? Bwisit naman oh.

"Hoy Margarine, tayo daw dalawa magka partner sa report." Sabi ng human hotdog—este ni Sejun sa tabi ko, kakainiiisss talagaaaa.

Tiningnan ko sya at inirapan, "Ano kala mo sakin bingi? Narinig ko na yan kanina pa." At binagsak ang ulo ko sa bag ko. Marami naman kasing babae dyan na patay na patay dito sa hotdog na to e, bat di nalang sila yung maka partner nito sa report. Edi sana may peaceful life ako habang gumagawa ng report.

"Wala akong balak na bumagsak this quarter kaya kung ganon ka din tumayo ka na dyan at magumpisa na tayo gumawa ng report dahil mahaba haba tong binigay satin." Yes po tama po si Hotdog don, ang haba ng report na aming gagawin. Pano ba naman si kok ok g ako nalang e, masyadong adibadib tong tender juicy hotdog na to. Nakipag unahan pa sakin yan tumayo para pumunta dun sa harap at bumunot. Malas na nga sa ka partner malas pa sa report. Huhu, naging good girl naman po ko ah? Bat parang gumawa ako ng masama tas ito yung karma ko?

Inirapan ko lang k haskasi sa otita oooat theology ok okooona, sumunod naman sya sakin. Yan tama yan, kala ko di sya susunod sa boss nya e. Yes, ako ang boss dahil for sure ako lang ang tatapos ng report namin at mag chill lang yang si Sejun kasama nung kaibigan nyang si Justin—speaking of Justin, naglalakad sya papunta sa direksyon namin. Akala ko si Sejun yung pupuntahan nya pero—huh? Bat sa harapan ko sya tumigil at nakatitig pa sakin?

"Uy tol." Bati ng human hotdog sa likod ko.

"Kuya Sejun, pwede ko bang makausap tong girlfriend mo?" ASHEJSISKSIDNXJ punyetang bunganga meron si Justin, anong sabi nya?

Naramdaman ko nalang na may biglang umakbay sakin, "Sige bunso." At kinurot pa talaga yung pisngi ko. Sapakin ko kaya to?

"Hoy Justin de Dios di porket krass ka ng kaibigan ko na si Ven—ay basta di ako girlfriend nitong nilalang na nasa tabi ko kaya magtigil ka. At Hoy! John Paulo Nase aka Sejun or human hotdog or tender juicy hotdog anong sige ka dyan? Kapal mo ah."

"Hoy Margarette Delos Santos aka Margaritta or Margarine makakapal ka naman, ayaw mo non may boyfriend kang gwapong katulad ko?" Sabi nya at kinindatan ako. Spell kadiri?

"Ang kapal talaga." Bulong ko.

"Alam mo pumayag ka na kasi maging girlfriend ko. Para tigilan ka na nung lalaking nanggugulo sayo."

SB19 story CompilationsWhere stories live. Discover now