Jane's POV"Jane, ano tong nakita ko sa bag mo?" Sigaw ni kuya Josh sakin. Waahh kinakalkal na naman ng kuya ko mga gamit kooo!!
Inagaw ko agad kay kuya yung bag ko at niyakap ito. "Yah! Diba sabi mo walang pakelamanan ng gamit?"
"Di mo ko madadaan dyan sa pag pout mo!" Tiningnan nya ko ng masama at pinakita sakin yung pink envelope. "Kanino galing tong letter na to?"
Owemji. Yan yung binigay sakin kanina nung isang student don sa school namin. Pero di ko pa nababasa kung ano nakalagay.
"Ano to ha? May boyfriend ka na? May nanliligaw na sayo? May secret admirer ka ba? Ka m.u mo ba to? Ano sagot?"
"Ah kuya kasi—"
"At talagang ipagtatanggol mo pa yung kung sino mang lalaki ang nagbigay neto sayo?"
I pouted, "Wala pa nga eh." Binitawan ko ang bag ko at nilambing ang kuya ko na anytime pwedeng pwede na mag transform into Hulk. "Kuya wala po ko manliligaw, at mas lalong wala akong boyfriend."
Narinig ko ang buntong hininga ni kuya at niyakap ako pabalik. Yie di nya ko matiis, marupok kuya ko!
"Dapat lang. kasi pag nag boyfriend ka, parang sinaktan mo na rin ako." Ginulo nya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. "Sa ngayon, ako muna boyfriend mo. Bawal iba, si kuya mo lang."
Natawa ako at tumango.
***
"JANE, owemji si kuya mo! Kyaahhh!!!" Biglang tili ng kaibigan ko sakin at niyugyog ako.
"Wahh wag mo ko yugyugin, nahihilo ako walangya ka!"
Naptingin ako sa lalaking humila sakin palayo kay Kyla. Si Kuya Josh!!!!
Hinawakan nya ko sa magkabilang balikat at tiningnan ako na para bang nabagukan ako sa ulo.
"Okay ka lang ba? Nahihilo ka ba? Masakit braso mo?"
"Kuya, okay lang po ko."
Nalatango sya at tiningnan si Kyla. "Alam kong kaibigan ka ng kapatid ko, pero sana wag mo syang yugyugin ng ganon. Baka mahilo at ma out of balance tong prinsesa ko. Ayaw ko pa naman na nagkakasugat o kahit pantal manlang to sa katawan."
Napayuko si Kyla at nagsorry. Tinap ni kuya yung ulo nya at sinabing okay lang daw at sana di na ma ulit uli. Kilig na kilig si gaga e HAHAHA.
Nang makasakay kami sa van, nakita ko na nandoon sa loob sila kuya Stell, kuya Sejun, kuya Ken, at kuya Justin. Magkatabi ni kuya ng upuan. Ewan ko ba, ayaw nya ko ipatabi kela kuya Stell. Seselos daw sya e.
"Grabe, ang sweet naman na kuya ni Josh!" Sigaw nilang apat.
"Syempre, baby ko tong kapatid ko e. Diba? Diba? Diba Jane?" Kulit ng kuya ko hahaha.
"Opooo!"
At buong byahe akong kinulit ng kuya ko.
At sweet ng kuya ko huhu. Swerte magiging sister in law ko in the future!!
YOU ARE READING
SB19 story Compilations
Fiksi PenggemarSB19xA'Tin (comment kayo if may request kayo 😊)