Stell: Jealous Boyfriend

603 22 5
                                    


Jia's POV

"Okay, that's for today's practice boys." Sabi ng choreographer ng grupong SB19. Kung nagtataka kayo bat ako nandito sa practice room ng mga ito ay dahil ako po ang girlfriend ni Stell. Oh bakit angal ka?

"Asawa ko." Bati sakin ni Stell ng makalapit sya sa akin. Kinuha ko ang bimpong dala dala ko at pinunasan sya ng pawis. Kaso hirap akong abutin yung noo nya, panong hindi ko maabot e hanggang balikat lang ako ng boyfriend ko.

Pinisil nya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo, "Thank you honey. I love you." Nagiwas ako ng tingin at yumuko. Di ko ba alam, tatlong taon na kami magkarelasyon ni Stell pero ang lakas parin ng epekto nya sakin. Sa tuwing naga- I love you sya sakin, parang first time lang lahat. Pati yung sa pag halik at yakap nya sakin, ganon na ganon.

"Mas mahal kita." Sabi ko at tumingala na sakanya.

"Alam nyo, kayong dalawa mag live in na kayo." Sabat ni kuya Josh. Nagpapahinga yung apat sa may sofa sa gilid, lumapit kami sa kanila at tumabi ng upo.

"We will." Sabi ko at binelatan si kuya Josh. Binigyan nya lang kami ng disgusting look. Hmp inggit lang sya HAHAHA.

Niyakap agad ako ni Stell at pinatong ang baba nya sa balikat ko.

"Sana all po may girlfriend." Naka pout na sabi ni Justin, ginulo naman ni Sejun ang buhok nya.

"Hanap ka na ng sayo bunso."

Napatingin kami kay Ken ng tumayo ito at dala dala na ang bag.

"Tara na, iwan na natin yang lovers dito." Sinunod nga nila ito at lumabas na ng practice room.

Natawa nalang kami ni Stell at niyakap pa ko lalo ng mahigpit.

•••

Papasok palang ako sa building ng ShowBT para sana dalhin tong binili kong strawberry shake para sa asawa ko at ibat ibang klase ng flavour ng shake to the other four boys.

"Good morning po kuya." Bati ko sa guard. Naging ka close ko na yung ibang staffs dito dahil sa limang lalaking iyon. Pano, pag may nakasalubong kaming ilang staffs, pinapakilala nila ko agad. At talagang may padagdag pa si Justin ng "Girlfriend po sya ni Stell, di na sya available".

Paliko na sana ko sa may practice room nila ng may lalaking tinawag nalang bigla yung pangalan ko.

"Jia?"

Napalingon ako para tingnan kung sino yun.

"Adrian?"

Napangiti sya ng banggitin ko ang pangalan nya.

"Yep, it's me. How are you Jia? It's been 5 years."

Adrian is my ex boyfriend. 2 years lang naging kami dahil nag cheat sya sakin noon. Sobra akong nasaktan dahil first boyfriend ko sya at binigay ko sakanya ang buong atensyon at pagmamahal ko dahil akala ko sya na ang lalaking para sakin, pero hindi pala. Pero nagpapasalamat din ako sa panloloko nya sakin, kasi kundi nya ko niloko at kung hindi ako nagmukmok noon sa isang restaurant, di ko makikilala si Stell. That time, akala ko isang lalaking pagti-tripan lang ako nung lumapit sya sakin, pero hindi. Nakinig sya sa lahat ng hinanakit ko noong gabing yon. Di ako iniwan ni Stell, he even help me to move on to Adrian. At dahil don, unting unti na nabubura si Adrian sa puso ko at si Stell na ang pumalit. Triple ang pagmamahal na nararamdam ko para kay Stell kaya natakot ako na baka ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Pero hindi, he confessed to me at nag composed pa sya ng kanta for me na noon akala ko sa ibang babae.

"Yeah. I'm happy and contented to my boyfriend, Stell."

Nagulat ito pero agad din nawala iyon. "Stell ng SB19?" Tumango ako. "Ikaw pala ang sinasabi nilang asawa ni Stell, eh mag girlfriend boyfriend palang pala kayo.

"Yes I am, and I'm proud to be called his asawa kahit hindi pa naman kami nagpapakasal."

"I see. Ano palang ginagawa mo dito?"

"I'm here to support my husband, eh ikaw?"

"Pinsan ko yung assistant choreo ng grupo ng asawa mo. I'm here to help him."

Napatango lang ako at nagpaalam na kelangan ko ng puntahan si Stell, dahil ang alam non 9:30 ang dating ko, malapit na mag 10 baka magalit na naman sakin yun.

"Bye Jia, see you next time." Sabi nya at kinawayan ko lang sya.

Pagkapasok ko sa practice room, nakita ko yung apat na busy maglaro sa isang tabi habang yung boyfriend ko nakaupo sa may sofa at ang dilim ng mukha. Anong nangyari dito?

"Good morning guys!" Kuha ko sa atensyon nila at nagunahang kinuha sakin nila Ken at Justin ang dala kong mga shake. Nagaagawan pa ang dalawa.

"Akin tong mocha!"
"No. Akin yan!"
"Sino mas matangkad?"
"Sino mas gwapo?"
"Oh edi iyo na Ken. Iyong iyo na."

Hinayaan ko nalang yung apat dun at nilapitan ko ang asawa ko.

Tumabi ako sakanya ng upo at niyakap sya. "Pst, asawa ko binilha kita ng strawberry shake." And I gave him a peck on his cheek.

"Bat ngayon ka lang?" Tanong sya sakin ng di manlang ako tinitingnan at di pinansin ang sinabi ko.

"Ah may kinausap lang ako kanina kaya—"

"Na lalaki. Sino yun?" Nakita ba nya?

I bit my lower lip. "Si Adrian."

Napatingin sya sakin ng nakakunot ang noo. "Yung ex mo? Anong ginagawa nya dito? Bakit kinausap mo sya?"

Tumango ako, "Opo. Nandito daw sya para tulungan yung pinsan nya na assistant ng choreo nyo. Nangamusta lang naman sya asawa ko e."

"Kahit na Jia!" Nagulat ako sa pagsigaw nya, miski yung ibang kasama pa namin dito sa loob napatingin tuloy sa gawi namin. "Ayaw na ayaw kong may nakakausap ka na ibang lalaki maliban nalang sa mga ibang staffs dito at sa apat na yan diba? Tas mukhang enjoy na enjoy ka pang kausapin yong lalaking yon."

I sighed, hinawakan ko ang mukha nya at hinalikan sya ng matagal sa labi nya. Oh gosh, his soft and sweet lips!

"I'm sorry kung kinausap ko si Adrian kanina. Please? Bati na tayo asawa ko." Pagsusumamo ko at niyakap syang mahigpit. Wala na kong pakelam kung marami mang nakatingin sa amin.

Nakita kong namumula ang pisngi ng asawa ko kaya naman narinig kong kinakantyawan sya ng ibang nandito sa loob.

"Yiee kilig sya."
"Selos si Stell e."
"Mag bati na kayo."
"Get a room you two!"

"Bati na raw tayo oh." Sabi ko at mas siniksik pa ang sarili ko sakanya.

At sa wakas ay niyakap na rin ako pabalik ng asawa ko at hinalikan ako sa labi.

"I'm sorry wife, di ko mapigilang magselos. Gusto ko kasi ako ang dahilan kung bat ka masaya, ngumingiti, tumatawa at kinikilig." Pinagdikit nya ang noo naming dalawa.

"Okay lang yun asawa ko, naiintindihan ko naman po. Sorry rin. I love you so so so much!"

He chuckled and kiss my forehead. "I love you most wife."

Hinawakan nya ang mukha ko at tinitigan ako.

"Tara wife, pakasal na tayo para wala ng ibang lalaki ang magtangkang kausapin at lapitan ka pa."

Namula ang mukha ko at pinalo sya sa balikat. "Baliw. Mag practice na nga kayo don."

Natatawang hinalikan nya ko uli at nagtatakbo na sa gitna para mag practice.

Mahal na mahal ko talaga itong lalaking to.

SB19 story CompilationsWhere stories live. Discover now