TATLONGPU'T TATLO

835 25 0
                                    



khenzy POV

Maagang natapos ang pag sasalo salo at napag desisyonan nila na iligpit na ang lahat ng mga ginamit sa labas at sa loob na lang ng bahay ituloy ang inuman.

Alas otso pa lang napag desisyonan na ng mga matatanda na matyulog na dahil hindi daw maganda sa kalusugan nila na mag puyat.

Bumili sila ng empi lights at mga san mig saming mga babae. First time kong maka-inom nitong san mig dahil madalas na iniinom ko wine or tequila lang. pero sabi ni jared wala naman daw tama kaya okay lang.

"So ayun na nga ate khenzy saan kayo nagkakilala nitong ni kuya jared?" Tanong ng anak ni tita shiela na nasa 19 years old.

"Kaibigan siya ng kuya ko kaya bata pa lang ako kilala ko na siya." Sagot ko dito.

Biglang nagsalita yung lalaking katabi ni jared.

"Siya ba yung kinukwento mo samin tol na batang uhugin?" Tumingin siya kay jared at pabirong binalya pa yung balikat nito.

Nahiya naman ako sa sinabi ni kuya Raymond na anak ni tita seva at mga nasa 25 y/o na siguro siya.

Lahat kami nakatingin kay jared na nakatingin din sakin. Naghihintay kami sa sagot niya.

"Yup, siya yung batang laging umiiyak kapag kailangan ko ng umuwi sa bahay. Siya yung batang iyakin kapag hindi napag bibigyan sa mga gusto niya. Kaya yan tingnan niyo spoiled brat pa din hanggang ngayon. At ito pa akala niyo nagbago na yan kasi tumanda na pero hindi. Tuwing kailangan ko ng umuwi lagi yan sumisimangot. Gwapo kasi ng pinsan niyo eh tingnan niyo nagkaroon ng magandang girlfriend." Naka ngising sabi niya kaya nakurot ko siya sa mga sinasabi niya.

"hindi po totoo yon wag kayong maniwala jan sa pinsan niyong mahangin kulang na lang tangayin siya." Sabi ko at hindi ko maiwasang mahiya.

'mamaya ka saking unggoy ka! Masyado mo akong pinapahiya.

"Huwag ka ng mahiya alam naman nilang baliw na baliw ka sakin eh," Sabi pa nito.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Baka ikaw baliw na baliw sakin nahiya ka pang aminin nako jared liars go to hell" Sabi ko pa.

"Bakit tinanggi ko ban a hindi ako baliw sayo, ikaw lang tong nag sasabi jan eh" Hirit pa nito.

Napayuko na lang sa kahihiyan.

Kinikilig ako bakit ba!

Sinabayan pa ng mga pinsan niya ng mga panunukso.

Sumandal siya at nilagay yung kanang kamay sa likod ng upuan ko at parangf inaakbayan niya na rin ako.

Nag iba na ang usapan hanggang sa mag alas doce na konti na lang yubng empi na iniinom nila.
Nilingon ko si jared at ang pungay na ng mga mata niya. Hinaplos ko yung mukha niya at dinala sakin para humarap siya sakin.

May pag tatakang tumingin siya sakin.

"Are you okay?" Tanong ko dito.

"Yup, nasa tabi kita kaya paanong hindi ako magiging okay." Sinseryong sabi niya.

"Corny mo tol," Sabi ko.

Nilapit niya yung mukha niya sakin akal ko hahalikan niya ako sa labi pero nagulat ako ng hinalikan niya ako sa noo.

"I miss you," Sabi niya.

"huh? Nandito na ako miss mo pa rin hahaha baliw kana." Sabi ko pa.

"Baliw na baliw ako sayo." Naka ngising sabi niya.

Nang mag alas dos na napag pasyahan naming na mag ligpit na dahil may tama na yung mga lalaki.
Natapos kaming magligpit at napag pasyahan na naming pumasok na sa kwarto ni jared.

Time And Attention [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon