LABING SIYAM

692 24 6
                                    

KHENZY POV

Kanina pa ako pabalik-balik dito sa labas ng pintuan ng bathroom. Paano ba naman kasi nag-aalala na ako kay kared dahil mag d-dalawang oras na hindi parin sya lumalabas. Baka kasi may nangyari o ano. Baka nabagok sa loob, kung ano-ano na pumapasok sa utak ko. Gusto kong tawagin sila mama silva pero baka mas kabahan pa sila kesa sakin.

"JARED!!! Ano ba, kanina pa ako kumakatok dito ah," sigaw ko sa loob.

Ngayon ko lang naisip na may mga duplicate key sila dito. Shet tanga tanga mo brain.

Balak ko na sana simulan ang pag hahanap ng mga susi ng biglang bumukas yung pintuan.

Lumabas syang may tapis sa beywang nya.

"Bakit naman ang tagal mo, hah!" Puna ko sa kanya.

"Naka-idlip pala ako sa bathtub hindi ko namalayan, tsaka puyat tayong parehas kaya siguro nakaramdam ako ng pagod." casual na sabi nya.

"Really? Baka naman may nangyari na sayo ayaw mo lang sabihin,"

"Nothing happened don't worry. See, im good." Sabi pa nya at minuwestra nya pa sakinang kayawan nya.

"Tse, mag bihis ka na!! Sa susunod ah wag mo ng uulitin yon, nag-alala talaga ako. Hindi ko alam kung may nangyari na ba sayo o ano," sabi ko pa.

"Yes baby," sabi nya. Tatalikuran ko na sana sya para din makapag bihis sya ng hinila nya braso ko nayakap nya ako mula sa likod. "Gustong gusto na kitang itali sakin, gustong gusto na kitang pakasalan, may sapat na pera naman na ako para matustusan lahat ng luho mo at ng magiging anak natin. Pero alam kong ayaw mo pa at masyado ka pang bata. Ok lang din kung hindi pa ngayon, pero sana hintayin mo ako, hintayin mo yung oras na luluhod ako sa harapan mo at mag mamaka-awa na tanggapin mo ako, tanggapin mo ako sa buhay mo. Yung tipong lahat ng plano mo nandoon ako hindi pwedeng wala." Mahabang lintanya nya. Pansin ko lang na simula nung araw na nanganak na daw si ate kei, ganyan na sya lagi makitungo. Ang sweet nya yung tipong ataw nya talaga ako mawala.

"Yes, hihintayin ko yung araw na yon, mahal na mahal din kita."

Sabi ko sa sarili ko dati pag nakaka panood ako ng ganitong eksena lagi kong sinasabi na ang korny naman, pero hindi naman pala talaga. Dahil alam yung pakiramdam na wala kang pakealam kung akong lalabas sa bibig mo basta galing sa puso, yung tipong hindi mo maiisipan na ang korny naman ng nga sasabihin ko. Walang ganun.

We're done packing our things, yes uuwi na kami ay hindi pala sila mama silva lang pala at kami ni jared ay d-deretso ng laguna.

Nang makalabas kami ng unit nandoon na sila papa hades sabay-sabay na kami bumaba at hinintay lang namin si jared saglit dahil may kinusap pa sya.

Mabilis kaming naka-uwi sa bahay nila at nag pahinga lang kami saglit bago tumungo sa laguna para sa Enchanted kingdom.

Yes yes yes puounta kami doon hahaha ang saya lang dahil nadadala nya ako sa lugar na kahit kailandi ko pa napuntahan.

Wala ng pila-pila at naka pasok na kami agad.

Inisa-isa namin ang lahat ng rides na nandoon minsan dalawang beses pa sa isang rides.

Pag tapos ng rides kumain lang kami sa labas at may pinakain din sya sakin eh ano ba tawag doon? Ahm basta yung tinutuhog tas kakainin mo na lang, promise ang sarap grabe.

Gani na kami naka-uwi at sa sobrang pagod ko nakatulog na ako sa byahe at nagising na lang ako na nasa kwarto na ako ng bahay nila mama silva.

Akala ko wala si jared sa silid na ito pero pag-upo ko nakita ko syang nakasandal dito sa tabi ng kama na naka yukod at yakap yakap ang mga tuhod nya.

Time And Attention [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon