PITO

778 26 0
                                    

KHENZY POV

Pag dating ko sa kusina naka handa na yung mga cake at ibibigay na lang.

"Baby,  ikaw na ang mag dala nito kila kuya mo. " sabi ni mama at kumuha sya ng tray para ilagay doon yung mga cake.

Kinuha ko na yon at di ko alam parang madudulas pa yata sa kamay ko yung tray,  kinakabahan ako eh,  di ko alam kung bakit.

Lalagpasan ko sana yung mga ka grupo ko ng nakita ko sila mismo doon din naka upo.

What the...

Pumunta ako don at nilagay sa mini glass table yung tray at umupo na ulit ako sa tabi ni William.

Ramdam siguro ni william yung kaba ko kaya tinanong nya ako.

"Ayos ka lang? " tanong nya

"Y-yeah,  of course. " sabi ko.

At gaya kanina sumandal nanaman sya at nilagay nya nanaman yung kamay nya sa backrest ng sofa.

Tiningnan ko si Cathy at naka tingin din pala sya sakin.

Ano na Cathy...  Kala ko  ba bebernahin mo sya..

Maka hulugang tiningnan ako ni cathy.

"Princess,  nililigawan kaba nyang katabi mo?  Bakit di mo pakilala kung ganon." sabi ni kuya.

Napa tingin ako ng wala sa oras kay jared na naka igting panga na ngayon.

"Hindi nga sabi kuya! " pinanlakihan ko ng mata si kuya.

Naman kase... Kanina pa sya nang-aasar.

Napatingin ako kay william ng bigla itong tumayo at nag salita.

"Pwede ko po bang ligawan si khenzy?  Pangako po gagawin ko lahat ng makakaya ko para di sya masaktan, ----" hindi pa sya tapos ng mag salita si kuya.

"Bakit sakin ka nag papa alam?  Ang kapatid ko ang tanungin mo at kapag pumayag sya ayos na sakin. " sabi ni kuya.

Tumingin sya sakin at handa ng mag salita ng dumating si mama.

Yes... Thanks mom.

"Anong meron? " tanong ni mama

Bago pa mag salita lahat inagapan ko na.

"Wala po mama,  tapos na rin kaming lahat kaya uuwi na sila. " sabi ko at gaya ng sabi ko nag ligpit na sila ng gamit.

"Aalis na po kami tita,  kuya. " sabi ni Cathy.

"Aahhh sige sige, --- ija,  hatid mo na sila. " sabi ni mama

Nauna na silang naglakad palabas at magka sabay kami ni Cathy.

"wala akong masabi kanina kay William,  sabi ko na eh,  gusto ka nyan. "

"Haha," nag aalinlangan ako sa isasagot ko.

"Kung ako sayo, wag mong bastedin si jared hahah swerte kana jan,  gwapo na halos lahat yata nasa kanya kaso nga lang kaya mo bang mag hintay sa kanya araw araw at handa kaba na hindi lang ikaw priority nya?" -Cathy

"Hindi ko pa alam....  Sige na ingat kayo. " sabi ko at ganun din sa iba.

Nag pasi pasukan na sila at hidni pa nakakasakay si william.

"Ahm tungkol kanina,  liligawan kita. " sabi nya at pumasok na sa loob ng hindi ako nag salita.

Papasok na sana ako sa loob ng makita ko sa pintuan si jared,  naka sandal sya don. 

Time And Attention [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon