LABING PITO

696 23 2
                                    

KHENZY POV

Pag gising ko wala nang jared na nakatabi sa akin tulad kagabi.

Umuwi na kaya siya?

May iba akong pakiramdam sa kanya kagabi eh hindi ko lang matukoy kung ano iyon.

Bumangon na ako at pumunta sa bathroom para gawin ang morning routine ko.

Nag suot lang ako ng ternong jagger pants and tee shirt na kulay black.

Bumaba na ako at naabutan ko si jared sa kusina na nagluluto.

Hmm...ang bango.

Nakatalikod sya sakin kaya lumapit ako at niyakap sya mula sa likod.

"Goodmorning mister, hmn akala ko umuwi kana." Humilig pa ako sa likod nya.

"Morning, hahaha akala mo lang yon."

Hindi ko na pinansin yung sinabi nya at tinignan na lang kung ano yung niluluto nya.

"Woah, paborito ko yan ah!! Hihi." Tuwang-tuwang sabi ko.

Omelet kasi yung niluluto nya tsaka may nakita pa ako sa gilid na may mga tuyo tsaka itlog hehe sharap ng agahan ko ngayon.

Minsan lang kasi magluto sila mama nyan kapag alam nilang may topak ako. Favorite ko kasi talaga yan. Si cathy ang unang nag patikim sa akin nyan akala ko pa jung una hindi ko magugustuhan yung lasa pero nung dumikit na sya sa dila ko, hmmm nom-nom-nom yummy.

"Alam ko, sinabi sakin ni tita na paborito mo daw ito."

Lumapit ako sa ref at kumuha ng fresh milk.

"yep, thankyou for the breakfast hihi, What do you want? Juice or coffee?"

"Kape na lang." Simpleng sagot nya.

Tinimplahan ko na sya ng kape at naghanda na din ng mga kobyertos na gagamitin.

Natapos na syang mag luto at kasulukuyan na kumakain na kami.

"Okay ba" tukoy nya sa luto nya.
"Yup," tuma-tangong sabi ko.
"By the way, nag paalam na ako kay tita na isasama kita sa batangas, ipapakilala kita sa mama't papa ko."
Hinawakan nya yung kamay kong nakapatong sa lamesa.

"Ha? Akala ko ba wala na yung mga magulang mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Yep, i mean my step mother and father. Not my biological parents." Sabi nya.

"Ow, hehe okay." Sabi ko.

Tatayo na sana ako para mag hugas ng kamay ng hinapit nya ako sa bewang at naupo sa kandyngan nya.

"Ayyy, naman eh, bakit?" Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o ano eh.

"Hmm...bango naman ng baby ko," siningot singot nya pa yung leeg ko at swear nakaka kiliti talaga.

"Arghh! Nakikiliti ako." Angil ko.

Kahit na pinigilan ko na sya patuloy pa rin sya.

Time And Attention [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon