DALAWANGPU'T SIYAM

780 23 3
                                    

KHENZY POV

Nagising ako dahil sa isang haplos na nakakapanghina sa sistema ko.

Dumilat ako at nakita ko si jared ang gumawa non, umupo ako at humarap sa kanya para mag pantay kami.

"Maayos na ba ang lahat?" Tanong ko.

"Yup," maikling lintanya niya.

Nakatulog na ako sa paghihintay kanina sa kanya at sa mga impormasyon tungkol sa nangyari kanina.

Uhaw na uhaw akong malaman kung maayos ba yung kalagayan niya at baka may mangyaring hindi maganda sa kanya doon. Takot na takot ako kanina at halos nagpapadyak ako wag lang ako maka alis sa luhar na iyon. Pero naisip ko na mas magiging okay na wala ako doon dahil baka dagdag alalahanin lang ako kaya nagpaubaya na kaming mag pauwi.

Alalang-alala sila mama ng pag-uwi ko dahil iyak ako ng iyak. Pero kalaunan kumalma din ako dahil kay mama at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Sabik kong hinagkan si jared at pilit isinisiksik ang sarili sa kanya kahit na alam kong walang mag isisiksik doon.

Ginantihan niya rin ako ng yakap.

"Nag-alala ako sayo...." lumuluhang sabi ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka pa ulit sakin. Baka hindi ko na kayanin." Hindi ko na napigilan sabihin yon.

"Hush, im here okay? Buhay pa ako." Natawa pa siya sa hiling lintanya.

Lumayo ako ng konti at hinampas siya sa braso.

"Ouch!" Daing niya.

"Nagagawa mo pang mag biro tsk." Tinalikuran ko siya.

"Joke lang ikaw naman." Sabi niya at pilit akong hinahatak palapit sa kanya.

Wala pa rin akong imik. Ako dito halos mamatay na sa pag-aalala tapos siya natatawa lang, nakaka-inis diba.

Hindi siya nag tagumpay sa mapalapit ako sa kanya hanggang sa siya na lang ang gumawa ng way para magkalapit kami.

Umurong siya pa abante sa'kin at niyakap ako mula sa likod.

"Alam kong nag-alala ka, sorry.... dahil hinayaan ko kanina na matakot ka ng ganon at pinatagal ko pa bago kami kumilos. Sorry kung hindi agad kita dinaluhan, hinayaan kitang hawakan nila at matakot ng sobra kahit na tinatawag mo na yung pangalan ko wala akong nagawa." Sinseryong sabi niya.

Isa-isang nagsilaglagan yung mga luha sa mga mata ko.

"Kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala sayo ng sobra. Wala akong maalala na may namamagitan sa atin noon pero ramdam ko sa puso ko na naging parte ka nito. Kaya pinipilit ko na maka-alala ng sa ganon maging patas ako. Hindi ko alam yung nararamdaman mo para sakin ngayon kahit noon pa man dahil sa lintik na alaala na nawala. Wag kang mag-alala kapag naka-alala na ako magiging patas ako sa nararamdamn natin pareho. Kung sa nakalipas ba na taon na may nagawa ako sayo na nakakasakit ng damdamin mo patawarin mo ako kahit na wala akong idea kung ano ba iyon. Pipilitin ko, pipiitin kong maka-alala." Sabi niya at hinayaan niya ako sumandal sa kanya.

Lumuluhang tumango ako.

"Wag mong pilitin ang sarili mo, hayaan mong kusa kang maka-alala." Sabi ko.

Pinunasan ko yung pisngi ko, Lumayo ako sa kanya ng konti at hinarap ko siya.

"Anong nangyari sa mga armadong lalaki?" Tanong ko.

Time And Attention [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon