Prologue

599 8 0
                                    

Winter-Spiders-Chase-Cliff.

"Noooo!." I screamed.

Thank goodness, it was all just a dream. Pawis na pawis nako. Andito parin pala ako sa kotse with my boyfriend Argel. Traffic parin pala?.

"Gosh, you scared me babe. Akala ko kung ano nang nangyayari sayo. You had a bad dream again eh?." He said.

"Sort of."

Sa wakas umusad narin at nakapag overtake kami agad.

"What is it this time?."

"Spiders,like the size of an adult human. They're chasing me towards a dead end."

"You must be really scared huh?. Haha."

"Duh. Akala ko nga mamamatay nako no. Anyway, malapit na ba tayo dyan sa bahay ng kaibigan mo?."

"Hmm me--dyo. Tulog ka nalang ulit."

"Wag na, baka mamaya nyan di nako magising."

"Haha okay."

Argel is unlike those other guys I know. He's responsible and really caring. He respects women the way they should be respected. Isa syang Chief Operating Officer (COO) sa company na pinagtatrabahuhan niya.

He's the typical guy in a tie and glasses. Sobrang devoted niya sa trabaho niya na halos wala na syang time for me. Pero okay lang naman sakin, kasi dahil dun nakakagimik pako ng friends ko. Medyo opposite kami. I'm this spoiled bratt na party girl. We have our own wine business, na soon enough ako narin ang mamamahala.

"So, tell me about this friend."

"Oh yeah, Diana's really nice--"

Napakunot nalang ako ng noo. Let's just say that I hate him hanging out with girls too much.

"Your friend is a girl?." I said crossing my arms.

"W-well babe. You don't have to be jealous of her, we're just really good friends--"

"Wag na tayong tumuloy."

"Na naman?."

"I can't believe na titira tayo sa iisang bubong with this other girl--ayoko, Argel bumalik na tayo."

"Uhm ah well, babe--wala ka namang dapat ipag-alala eh. She's not gonna try to steal me from you. Actually--this girl, she's gay."

"What?."

"You heard it right, Diana's gay. She only dates girls, so don't worry."

Dahil dun ay nakahinga narin ako ng maluwag. Harmless naman pala eh. Nag-e-expect nako na I'm gonna meet this stereotypical lesbian. I bet mukha syang lalaki, at boy cut.

"Hmm fine."

Kaya tumuloy na kami. Nang makarating kami, gulat akong makita na nakatira pala sa mansion tong kaibigan niya. Hmm big-time si T-bird.

Siya lang ba nakatira dito?. Wala kasing ibang tao. Automatic ang gate, she's watching us somewhere kaya kami pinagbuksan. Isang wave lang ni Argel sa CCTV sa labas eh.

Bet ko na pang rockstar ang suot nung Diana. Ano bayan, bakit ba ako excited?. Sana maging close kami.

Pero once nakapasok na kami sa mismong bahay, nagulat ako. Bakit iba ang sumalubong samin? Sobrang layo sa ine-expect ko. Ineechos lang ata ako nito ni Argel. Pero sa bagay, meron din naman akong mga kilalang lipstick lesbians. Pero ito di ko makita na may bahid. Sobrang feminine at ang ganda niya. Sure bang kinaibigan lang to ni Argel?.

Nag hug lang sila ni Argel saka tumingin sakin,

"You must be Franki, madalas kang kinukwento nito sa office." She said shaking hands with me. Ang lambot ng kamay niya grabe. Bumitaw din sya agad.

"Really?. So, you're co-workers pala?."

"Well, we can say that." She said with a smile. Mukha talagang professional to. Sobrang formal.

"Anyway, tulungan ko na kayong iakyat sa taas yang mga gamit nyo." Habang tinutulungan akong dalhin ang dala kong bag pack, dala naman ni Argel ang mga maleta namin.

"Sya nga pala Diana, kayo na magtatabi ni Franki ah. Dun nako sa kabilang kwarto." Sabi ni Argel.

"Hala bakit?." Takang tanong ni Diana.

"Ewan ko ba. Mas conservative pa yan sakin. Tatlong taon na kami pero ganyan parin sya."

"Mabuti, mabuting ehemplo ka brader. Sana lahat ng lalaki katulad mo. Plus points ka dyan." May pa thumbs up pa si Diana. Siguro nga magkapatid lang ang turing nila sa isa't-isa kaya hindi sila nagkagustohan.

Pinasok na namin ni Diana ang mga gamit ko sa kwarto niya kung saan kami magsheshare ng bed.

"Alam mo, ikaw pa ang unang babaeng napakilala sakin ni Argel and I get why." Sabi niya, sabay upo sa bed as she asked me to sit beside her.

"Close talaga kayo no?."

"Oo. Parang kapatid ko na yun. Ulila syang lubos nang matagpuan sya ni Daddy, kaya kinupkop nya narin. Simula nun, naging sanggang dikit na kami ni Argel. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay."

FLASHBACK

Malapit na daw kami sa bahay ni Diana.

"Malaki ang pasasalamat ko kay sir Mackey na kumopkop sakin, kung hindi dahil sa kaniya wala ako ngayon dito." Kwento ni Argel.

"Sya ba yung boss mo na namatay dahil sa cancer?."

"Oo."

EOFB

Oh my Geee.

6pm. Pinuntahan ko si Argel sa poolside. Nagtatrabaho parin siya?. Akala ko ba bakasyon namin to?.

"Hoy lalaki, bakit di mo sinabi sakin na si Diana pala yung anak ng Boss mo?." Sermon ko sa kanya.

"Correction. Siya na ngayon ang boss ko."

"Tapos hinayaan mo lang akong parang tanga kanina nang tanungin ko sya if co-workers kayo?."

"Hayaan mo na yun. Wala lang yun kay Diana. Actually, she likes you."

"W-what do you mean she likes me?."

"I-I mean, not in THAT way haha. Akin ka na eh. Ang ibig kong sabihin, you gave her a good first impression."

"Talaga?."

"Oo. Kaya sige na, find something fun to do. Bond with Diana, do whatever you wanna do. Tatapusin ko pato."

"Okay babe, pasok ka na din ah."

"Oo, sige na."

Ayaw talaga magpadistorbo nito.

Before I Met Her (Frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon