Diana's POV
Kakatapos ko lang mag-shower nang makasalubong ko si Franki.
"Oh? Looking for something?." Tanong ko.
"Uh hindi. Actually, hinahanap kita. Ang aga mo naman maligo?."
"Masama kasi sa katawan pag after dinner."
Tumatango tango nalang ako.
"Sige ah, bihis lang ako tapos kakain na tayo." Paalam nya.
FF
Seryoso ba sya?. Ang yaman yaman niya pero white beans lang at salad ang kinakain namin. Gustong gusto naman ni Argel. Siguro nga, health conscious lang sila. Pakiramdam ko tuloy, dahil sa lifestyle ko mauuna akong mawawala. Wag naman sana.
"Ayaw mo ba? Gusto mo ipagluto nalang kita ng iba?." Tanong ni Diana.
"Naku, wag na. Okay na'to. Teka is that--"
"Wine?. Yes Franki, you can have some if you want." Sabi ni Diana sakin.
Patayo na sana ako nang magsalita si Argel,
"No Franki, stay. At ikaw Diana, what did I told you? Hindi ka iinom ng kahit anong alcoholic drinks. Ang tigas talaga ng ulo mo." Wait, is my boyfriend really mad at his friend who is currently his boss?. You don't talk to your boss like that.
Nanatili nalang ako sa upuan ko sa takot ko kay Argel. Sakin naman medyo okay lang sya basta hindi lang sobra pero itong reaction niya pagdating kay Diana ang OA. Sino ba talagang girlfriend niya saming dalawa? Nagdududa nako.
"Argel, no big deal. Konti lang naman--" sagot ni Diana.
"Kahit na. Alam mo, hindi ka talaga nag-iingat." Ano bang problema nito ni Argel?.
"I'm not gonna die with a glass of wine once in a while." Mahinahong sabi sa kanya ni Diana. Nakikinig lang ako tila naguguluhan.
FLASHBACK
Sinama ko si Argel sa party ng kaibigan namin na si Wealand, birthday niya kasi. Nasa sofa lang siya while I'm with my friends, malapit lang naman sa kanya.
Nag-uusap lang sina Maza, Jodie and Julia about this cute guy na bet ni Maza.
"Parekoy, hanggang ngayon hindi ka parin umiinom? Ano bayan--" sabi sa kanya ni Wealand.
"Healthy living lang pre. At saka ipagdadrive ko pa pauwi si Franki. Mahirap na." Sagot naman ni Argel. Inakbayan lang siya ni Wealand sabay sabing,
"Alam mo ha, nagtataka ako sayo. Highschool palang tayo, ganyan ka na. Bakit ba masyado kang conscious?."
"Iniingatan ko kasi to." Sabay turo sa kaliwang dibdib niya.
"Bakit? Ano bang meron sa puso mo?."
"Reserved na kasi to para sa iba."
"Kay Franki? Yieee. Lover boy talaga--"
"Hindi, hindi kay Franki. Kay.." hindi ko narinig kasi binulong niya lang kay Wealand.
"Pano si Franki?." Napalingon sila sakin kaya lumihis ako ng tingin.
"Ewan ko nga pare eh, hindi ko narin alam. Sana maintindihan niya."
Simula nun, nagsimula na akong pagdudahan siya kaya imbes na hindi ako selosa, naging possessive ako at lahat ng babaeng lumalapit, inaaway ko.
Naghintay ako nang naghintay pero wala naman syang sinasabi sakin. Mukha namang mabait si Argel, kaya hindi ako makapaniwala na kaya nyang mangaliwa.
EOFB
At hindi malayong si Diana ang tinutukoy niya kung sakali mang he's cheating on me. Pero sabi niya kasi Diana's gay kaya naisip ko na baka paranoid lang ako.
After eating, washing the dishes together and brushing our teeth, nag goodnight nako kay Argel.
"Babe, where's my goodnight kiss?." Lambing ko sa kanya.
"Babe, hindi tayo nag-gogoodnight kiss." Paalala niya,
"Ayaw mo ba?."
"Franki, pagod na ako. Maaga pa tayo bukas."
"Bakit? San ba tayo pupunta?."
"Mag-wawalking tayo."
"Na naman? Alam mo ha, mababaliw nako sa pagiging health conscious nyo ni Diana. Sana sya nalang yung naging girlfriend mo. Magkasundong magkasundo pala kayo eh." Bitter kong sabi.
"Seryoso ka ba? Pinagseselosan mo si Diana?. I already told you na diba? Hindi kami talo. She's into girls."
"Eh yung kanina, ano yun? What's with drinking alcohol? Bakit ba sobrang concerned mo sa kanya?."
"Because we're friends."
"Yun nga, you're friends. Pero bakit pagdating sa kanya may extra ka?."
"Alam mo Franki, pagod na talaga ako. Goodnight." As he shut the door of his room.
"Then fine. Yan pala ang gusto mo ah. Tingnan natin kung sinong magmamakaawa satin." Sabi at naglakad na papasok sa room namin ni Diana.
Naabutan ko syang may kausap sa phone. She's probably talking to her girlfriend or something. Nag-aaway din kasi sila, binaba niya naman telling the other person to get lost.
"What's wrong?. What happened to you?." Tanong niya sakin.
"What happened to me? Well, magtapat ka nga sakin Diana--may relasyon ba kayo ni Argel? Niloloko nyo lang ba ako?."
"Ano? Ofcourse not. Besides, Argel is not even my type haha--"
"Alam ko naman yun because you like girls, at di mo rin naman ako masisisi na pagselosan ka. I mean look at you. Tanga lang ang ayaw kang patulan--"
"Wait a sec lang ah--hold that thought. I-like-girls?."
"Yes, yun yung sabi sakin ni Argel. Ano ba? Hindi ka naman siguro indenial no? Hindi ka pa ba out? Wag kang mag-aalala, hindi ko naman ipagsasabi kahit kanino. Swear."
KINABUKASAN
After a long walk, bumalik narin kami agad sa bahay then tumambay muna ako sa napakagandang garden ni Diana.
You won't believe this Maza, Argel's friend is I don't know--a freakin' Goddess. She's the exact definition of perfection.
Are you gonna tell me that you're also jealous of--
What? No. Sasabihin ko lang that she's gay. Maybe you know someone that she could possibly date.
Vianca could be a great match. I just don't know if she's single right now.
..
Diana's POV
Habang gumagawa kami ng fruit shake sa kitchen,
"I can't believe that you told her I'm gay--"
"Ano bang gusto mong sabihin ko? I have no other choice, lahat ng babae pinagseselosan nun. Pag sinabi ko sa kanya ang totoo na straight ka, she would treat you differently at gagawin niya lahat para lang di na tayo magkita o mag-usap. Ayokong mapalayo sayo D, I promised your dad na aalagaan kita kahit anong mangyari. And I would never even dare break that promise."
"Hindi mo naman kasi kailangang gawin to eh. Kaya ko ang sarili ko Argel."
"Ikaw naman kasi, sobrang tigas ng ulo mo. Pinagdududahan na tuloy tayo ni Franki."
"Ang OA mo kasi kagabi, pwede yung medyo lowkey lang para hindi halata?."
"Oo na. Basta makinig ka rin sakin."