Patawad, Paalam

51 2 0
                                    

nakita ko siyang nakahiga sa damuhan at nakatingin sa kalawakan, marahil ay tinititigan niya ang mga bituin at ang buwan. sandali ko siyang pinagmasdan at hindi nagtagal ay nilapitan.

"Mind if I sit next to you?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Kumikislap ang kaniyang mga mata dahil sa liwanag ng buwan, hindi na ako magtataka kung bakit ako nahulog sa kaniya.

Pinayagan naman niya akong tumabi sa kaniya. Umupo ako at pinagmasdan din ang kalawakan, "ang ganda ano? Ang pagkislap ng mga bituin, ang liwanag ng buwan, ang kadiliman ng kalawakan—"

"At ang gandang taglay mo."

gulat akong tumingin sa kaniya, umiwas siya ng tingin at tumitig muli sa kalawakan.

Nakita kong sandali siyang tumingin sa akin at agad na binaling ang kaniyang tingin sa kalawakan, "hindi ka rin ba makatulog kaya ka narito?" tanong niya, hindi ko maiwasang mag-isip, ayaw niya ba akong makatabi at makausap? Sa bagay, ako lang naman ang may gusto.

"Oo, naglalakad ako sa paligid nang mapansin kitang nakahiga at nakatitig sa itaas, malalim yata ang iniisip mo. Kung ayaw mo ako rito ay aalis na lamang ako," hindi ko maiwasang malungkot at maglabas ng damdamin sa kaniya. Alam kong pareho kami ng nararamdaman, malabo nga lang.

Mabilis akong tumayo at maglalakad na sana nang bigla niyang hawakan ang braso ko, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Bumilis ang tibok ng puso ko, "tumabi ka sa akin, humiga ka rito at sabay nating pagmasdan ang mga bituin" aniya. sinunod ko na lamang ang kagustuhan niya.

Humiga na ako sa tabi niya pero sinigurado kong may kaunting espasyo sa pagitan naming dalawa. "Tingnan mo ang buwan at bituin na iyon," sabi ko sabay turo sa bituing malapit sa buwan.

"Sobrang lapit nila sa isa't isa na para bang magdidikit na sila. Parang tayo, sobrang lapit na natin sa isa't isa ngunit hindi tayo puwedeng magdikit dahil pilit tayong pinaglalayo ng kalawakan."

Hindi ko na napigilan lumuha nang banggitin ko iyon. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napigilang idamay ang kalawakan sa nararamdaman ko.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, hindi ko napansing titig na titig pala siya sa akin.

"Edi pilitin natin. Pilitin nating maglapit, kalabanin natin ang kalawakan," naguguluhan ako sa kaniyang sinabi. Anong ibig mong sabihin?

"Hindi puwede, may masasaktan at ayokong mangyari iyon. Kaibigan ko siya at hindi ko kakayaning masaktan siya ng dahil sa akin," huli na ng malaman ko na nahulog na rin pala ang kaibigan ko sa kaniya. Lumayo ang loob niya sa akin at labis akong nasaktan. Bakit ba hindi tayo puwedeng magmahalan ng walang humahadlang?

"Huwag nating isipin ang sinasabi nila, Ash. Isipin natin yung tayo."

"Walang tayo, Mico."

Binalot kami ng katahimikan dahil sa sinabi ko. Walang kami, matagal na panahon na.

"B-bakit hindi natin subukan ulit?" mangiyak ngiyak na tanong niya.

"Dahil hindi puwede, Mico. Gustuhin man natin ay hindi puwede."

Mabilis akong bumangon at tumingin sa kaniya.

"Alam ko na ang lahat, Mico. Huwag na nating lokohin ang mga sarili natin, alam naman nating dalawa na naglolokohan lang tayo. Hindi ba't minahal mo lang ako dahil gusto mong magselos si Samantha. Mico, hindi ganoon ang pag-ibig. Hindi laro ang pag-ibig, Mico!"

Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Ganito ba ang magmahal? Kailangang may masaktan? Tatakbo na sana ako ng biglang yakapin ako ni Mico. Ang init ng yakap niya ang nagpapainit sa malamig na gabi ngayon. Pero kailangan na naming itigil ito.

Sinubukan kong kumalas sa pagkayakap niya pero hindi ko nagawa. Mahigpit ang pagkayakap niya na para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Ash please. Let's talk about this, huwag mo akong iwan. Huwag ganito."

"Sinasaktan mo lang ako sa ginagawa mo."

"Bakit? Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan sa sitwasyong ito?" Mahinahon pero bakas sa boses niya ang galit.

"Alam kong tayong tatlo ang nasasaktan dito, pero ako yung naiipit, Mico. Alam nating dalawa na mas mahal mo siya kaysa sa akin!"

Nagulat siya sa pagtaas ng boses ko. Totoo naman, ibang-iba ang ngiti niya sa tuwing kasama niya si Samantha.

"Dahil siya ang nakasama ko sa panahong wala ka. Noong panahong kailangan ko ng pagmamahal mo, noong panahong nangungulila ako sa yakap mo, nandiyan siya. Hindi katulad mo na umalis at iniwan ako, kaya huwag mo akong sisi—"

Dumampi ang palad ko sa kaniyang pisngi. Hindi ko inaakalang sasabihin niya ito, na magagawa niya ito.

"You are such a jerk!" sigaw ko, hindi niya alintana ang namumula niyang pisngi dulot ng sampal ko.

"Bakit? Hindi mo ba naramdaman yun?" aniya.

"Ang alin? Ang hanapin sa iba yung pangungulila ko sa'yo? Mico, hindi. May dahilan ako kung bakit ako umalis, hindi ba't sinabi ko sayo na na kailangan kong pumuntang ibang bansa para sa pangarap ko. Pinayagan mo ako, ni hindi mo nga ako pinigilang umalis, eh. Doon palang naramdaman ko nang hindi ako importante sayo. Pero pinalipas ko iyon, ininda ko lahat ng sakit, Mico."

Pakiramdam ko ay nababalutan na ng luha ang mukha ko. Halos pabulong na ako magsalita, sobrang sakit.

"Mabuti pa itigil na natin itong kagaguhan na ito."

"Ash please no." Lumuhod siya sa harapan ko at nakikiusap na huwag ko siyang iwan. Nakikiusap o nagmamakaawa?

"Seriously, Mico? Nagmamakaawa ka sa akin?"

"Huwag kang bumitaw, Ash. Please magbabago na ako, ikaw na ang mamahalin ko. Just please, don't leave."

"No Mico! Bumibitaw ako dahil binigyan mo ako ng rason para iwan ka. Hindi ko kasalanan kung bakit kita iiwan dahil kasalanan mo ito, Mico. Hindi sana tayo nagkaganito kung hindi ka lang tumingin sa iba. Huwag mong sabihing mahal mo ako, Mico. Hindi mo talaga ako minahal o minamahal dahil naaawa ka lang sa sarili mo at ayaw mong maiwan ka kaya nasasabi mo ang mga bagay na iyan."

"Ayoko na, Mico. I'm tired, sawang sawa na ako. Paulit ulit nalang."

Tuluyan ko ng nilisan ang lugar na iyon, iniwan ko siya roong nagmamakaawa na bumalik ako.

Patawad Mico, kahit mahal kita ay kailangan kong gawin ito. Patawad dahil hindi ko manlang nasabi sa iyo. Patawad dahil iniwan kita, patawad dahil hindi ko nasabi sayo na ito na ang huling araw ko sa mundong ito.

Mahal kita kahit ganiyan ka, kahit ganito ang ginawa mo sa akin. Sinundan kita dahil nais kong kahit sa huling sandali ay mukha mo ang aking makikita.

Hindi man naging maganda ang pagkikita natin ay masaya ako dahil sa huling sandali ng buhay ko ay nahawakan ko ang kamay mo.

Mananatili na lamang akong bituin. Sana'y pagmasadan mo ako tuwing gabi. Titignan kita mula sa itaas, lalapit ako sa buwan at iyan ang pangako ko.

Ikaw ang maliwanag na buwan at ako ang bituin mo, mahal ko.

Pinapatawad na kita.

Tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Ramdam ko ang pag-agos ng pulang likido sa aking ilong. Sa huling sandali, kahit na hindi ako makahinga ay nagawa ko paring ngumiti.

At sa huling sandali, nakita kitang tumatakbo papunta sa puwesto ko.

Ipinikit ko na ang aking mga mata habang nakangiti.

Sa huling sandali ay ikaw ang aking nakita. Sa huling sandali ay boses mo ang aking narinig.

"Ash, bakit hindi mo sinabi sa akin? I'm sorry, Ash, dahil hindi ko naiparamdam sa iyo ang pagmamahal ko."

random oneshotsWhere stories live. Discover now